Patawad

10 1 0
                                        

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

Tula#6 - Patawad




Patawad...




























































Patawad kung hindi kita nakayang ipaglaban



































































Patawad kung hindi ako naging mabuting kaibigan


































Sana patawarin mo ako, hindi ko naman ito inaasahan












Sana ako nalang nawala, sana ako nalang nasaktan












Kung hindi lang sana ako naging tanga dahil sa aking kalokohan













Eh di sana napagdiriwang pa natin ang iyong kaarawan sa paborito nating tambayan















Pilit mo akong iniintindi at tinutulungan pero pilit naman kitang linalayo at tinatanggihan











Patawad...











Patawad kung pinahaba ko pa yung problema













Patawad kung iniwanan kitang hindi humihinga












Na-miss ko yung mga araw na nagtatakbuhan tayo sa kalsada












Na-miss ko yung mga araw na tumatakas tayo kela mama












Para lang makapunta sa paborito nating banda












Mga araw na nangangaroling tayo tuwing pasko pero ang ingay natin akala mo may parada
















Pero nandito ako ngayon umiiyak sa harap ng iyong lapida














Patawad...













Patawad kung naging masyado akong makasarili













Patawad sa mga ginawa kong pagkakamali














Gusto ko muli makita ang iyong matamis na ngiti













Sana binawi ko nalang yung mga masasakit na salita na aking nasabi













Patawad...














Patawad kung nagawa ko pang magmove on sa mga nangyari at nagawa ko sayo















Patawad kung iniwanan kita ng mag isa para lang tumakas sa mga problema ko












Sana pinabayaan mo nalang akong masagasaan ng sasakyan dun sa panahon na yun kaso tinulak mo ako














Niyakap kita ng mahigpit habang sinisigaw ang iyong pangalan habang binabalutan ka ng iyong dugo















Kaya tuwing naaalala ko ito palaging sumasakit ang aking puso













Ang saya saya ko ng nandito ka pa sa mundo














Pero kakayanin kong mamuhay ng mag-isa at magbago para lang sayo




































































































































Kahit wala ka na dito sa tabi ko

_____________________________

_____________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


😞💔😞

𝘽𝙞𝙣𝙞𝙩𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon