Tagpuan

9 1 0
                                        

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*




Tula#10 - Tagpuan



Ito ang lugar na paborito nating puntahan

Ang lugar na paborito ng sambayanan

Naalala ko pa noon ang mga araw na magkasama tayo sa lugar na maaari rin nating tawaging tirahan

Sa mga panahon na nababaon tayo ng kalungkutan o kaya naman pag tayo ay masyadong nasisiyahan

Walang magawa kundi maglaro at maglibang sa ating dating tagpuan









Lahat naman ng mga tao sa mundo may hilig na tambayan

Minsan pa nga yung iba nasa labas ng eskuwelahan
Meron din sa ilalim ng puno o kaya naman pwede rin sa labas ng tindahan

Basta palagi tayo nandoon sa lugar na nakakapayapa sa ating mga karamdaman








Yung nakakainis lang sa lahat na nahulog ka agad sa taong hindi mo kilala habang minamasdan mo siya sa malayo

At higit pa sa lahat sa paborito mo pang tambayan kayo nagtagpo

Simula noong nakita ko siya mata sa mata bigla na lang tumigil ang mundo ko

Pero hindi rin nagtagal nawala na yung pagkagusto ko sayo

Buhay ko bigla nalang gumuho na parang bato

Kasi nahulog ako sa maling tao








Kaya noong nagsimula tayong maging magkaibigan kahit isang beses man lang hindi mo ako kayang ipagtanggol

Ng nawala nga sa hawak mo yung saranggola ako pa yung kumuha ako pa yung humabol








Ok lang yan sanay naman akong iniiwang mag-isa

Sanay na rin akong habul-habulin ka hanggang sa mapagod ang aking mga binti at paa

Kaya sa tuwing nadadaanan ko ang tagpuan na ito palagi kong naaalala kung paano mo ako napatumba

Para akong nasagasaan ng tren na halos hindi na ako makabangon kasi doon ko nalang nalaman na ako pala ay paasa










Ito ang lugar kung saan mababalikan natin ang mga mapapait na alaala

Kung saan hanggang tingin lang ang mangyayari sa inyong dalawa

Kung nasa silangan naman ito makikita umiwas ka nalang at pumunta ka sa hilaga

Habang naglalakad palayo huwag ka ng lumingon pa

























































































































Huwag ka ng tumingin muli sa tagpuan na nagpaluha sa iyong mga mata

_____________________________

_____________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

😞🏃‍♂️💔🏃‍♀️😞

𝘽𝙞𝙣𝙞𝙩𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon