Problema

10 0 0
                                    

(Nagbabalik na si akooooo😂😆 oh ito para sa inyo💜💜💜)



*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*


Tula#14 - Problema








Sa totoo lang hindi naman lahat ng tao may problema

Syempre hindi naman nila pinapakita

Doon sila pupunta sa mas masaya

Gagawin nila ang lahat para mawala ang sakit na nadarama








Mahirap man itago pero kailangan rin natin itong kalimutan

Katulad ng mga araw na ikaw ay nasasaktan

Mga araw na ikaw ay iniiwan

Mga araw na ikaw ay pinapabayaan

Pati ang mga araw na ikaw ay hindi pinapakinggan









Ayaw mong ipakita sa kanila na malungkot ka

Kasi alam mo namang walang iisa sa kanila ang makikinig sa tuwing ikaw ay magsasalita








Tandaan mo hindi lang yung panlabas na anyo ang nadadamay sa mga problema mo

Pati rin naman yung utak at puso

Pati rin yung mga taong mahal mo









Bakit ba kasi naimbento ang mga suliranin na yan

Kung sa huli tayo naman ang maaapektuhan

Mabilis man mawala ang mga bagay na ganyan

Pero sa susunod, tayo pa rin ay babalik-balikan







Nakakapagod itong isipin

Para tayong mga alipin

Ang suliraning na ito ay nagdudulot lang upang makasira ng ating mga damdamin

Mahirap rin itong balewalain

Pero kailangan pa rin natin itong tanggapin








Halos lahat gagawin natin para lang mawala ang sakit na ito

Kahit mapunta man sa sugatan mo ang sarili mo

O kaya mapunta sa mag-inuman na kayo ng tropa mo hanggang sa ikaw ay mahilo

At hanggang sa wala ka na ring maalala sa mga problema na iniisip mo








Gustong lumaya

Gustong mapag-isa

Gustong isigaw lahat ng nadadarama








Kahit isang araw man lang pagbigyan ang sarili

Kung sarili mo'y ayaw mong isisi








Dahil hindi lahat ng tao ay may iisa lang na problema

Yung iba umaabot ng ilang dekada bago ito mawala

























































































































































































Lalo na ang mga mapapait na alaala
____________________________

Lalo na ang mga mapapait na alaala____________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

😓😕😓

𝘽𝙞𝙣𝙞𝙩𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon