💔 Bakit gusto mong balikan ang nakaraan kung wala ka namang mapupuntahan dahil doon nagsimula kung paano ka umuwi ng luhaan 💔
TRIGGER WARNING!!!
Contains:
Death
Angst
Bullying
Depression
Self-harm
Anxiety
Heartbreak
People's dark personalities
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*
Tula#7 - Panaginip
Simula pa noong una kitang nakilala
Puso ko ay tumibok ng sobrang bilis akala mo sasabog na parang bomba
Tuwing lumalapit ako sa iyo halos tumigil na ang aking paghinga
Pag masyado ka na ngang malapit nanginginig na ang aking mga paa
Pero minsan hindi mo pa rin maiwasan ang kaba
Dahil baka bukas may kasama ka ng iba
Pero ang mas nakakatakot yung aamin ka sa taong gusto mo pero hindi ka gusto, lalo kang magmumukhang tanga
Pero kailangan pa rin nating tiisin na maging masaya para lang sa kanya
Sapat na basta ngumingiti siya kahit hanggang sa malayo lang nakikita
Pinipilit mo pa ring hindi umamin kahit umabot pa sa mawalan ka ng interes sa kanya
Ang hirap nga niyang abutin
Akala mo bituin na kailangan mo pang habul-habulin
Kaso kailangan ko pa ring humabol para lang ikaw ay maging akin
Pero bigla ka na lang nag iba ng ugali
Tuwing yayayain kita na sumabay sa pag uwi
Palagi mo na akong iniiwan agad at mga pagyaya ko ay iyong tinatanggi
Ng ilang araw lang ang makalipas hindi mo na rin ako pinakikinggan akala mo bingi
Nalaman ko nalang na may iba ka ng kasama pero walang masasaktan pag ako magsasabi na ang girlfriend niya ay mukhang mani
Mas maganda pa nga ako kesa sa kanya pero siya pa rin ang kanyang pinili
Kahit wala nga akong ginagawa sa jowa mo palagi akong inaapi
Tapos pag nang-utos kayong dalawa akala mo reyna at hari
Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin, wala na rin ang dati mong ngiti
Pero nagbago ka na hindi ko na kayang mabawi ang dati mong makulit na ugali
Kaya huwag kang mafa-fall sa taong alam mong hanggang kaibigan lang kayo
Dahil mahirap tanggapin ang iwanan ka habang siya ay umiiwas sa sa iyo
Para kang panaginip na mahirap tuparin kaya umaasa nalang na naging kayo kahit hanggang sa panaginip mo lang ito magkakatotoo
Hanggang sa panaginip na lang natutupad ang mga pangako
Mga masasayang alaala nagiging malabo
Pati na rin ang panahon kung saan nagkakilala tayo ____________________________
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.