*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*
*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*
Tula#5 - Ulan
Sa bawat patak ng ulan mga alaala ay muling nababalikan
Mga masasayang kuwentuhan at mga ginagawang kalokohan na hindi man lang natin maintindihan
Pati na rin ang mga panahon kung saan tinatrato ang isa't isa na akala mo magkasintahan
Mahal nga kita bilang kaibigan pero hindi ko na matiis ang aking mga nararamdaman
Simula nung ikasal ka sa simbahan
Pero iba ang iyong papakasalan
Hindi ako ang naglalakad ng dahan dahan papunta sa iyong harapan
Naalala ko pa nga noong pagkalabas ko ng eskuwelahan
Ikaw yung bumungad sa aking harapan basang basa dahil sa ulan
Dahil sa ulan tayo'y naging magkaibiganSa tuwing bumubuhos ang ulan sa labas
Palagi tayong susugod palabas ng ating bahay kahit malakas
Minsan nga pinapagalitan pa tayo kasi palagi tayong tumatakas
Gusto kitang makasama hanggang sa wakas
Pero nakatagpo ka pa ng ibang landas
Aamin sana ako kaso hindi ko man lang man masabi, hindi ko man lang mabigkas
Kasi tuwing kausap mo siya parang akala mo walang bukas'Sana hindi nalang tayo nagkita' gusto ko nalang itong isigaw
Hindi ko na nga kaya pati rin mga luha sa aking mga mata ay umaapaw
Sana matupad man lang ang aking huling hiling na makasama ka sa gitna ng ulan habang sumasayawWala na akong mahihiling pa kung hindi ito kasi ikaw ang aking gusto
Pero malabo na ang maging tayo
Ang bilis nating bitawan ang isa't isa parang lobo
Pagbinitawan mo lilipad na ito at hinding hindi na babalik sayo
Ang tagal na nating hindi nagkita kaya ang ginawa ko ay lumayo
Ayaw kong maging sagabal lalo na yung puso ko kaya hindi na kita iniistorbo
Kahit makausap kita muli alam kong hindi kana interesado
Hindi ko na nga rin gusto ang ulan, hindi ko na ito paborito
Kaya ang ginagawa ko nagkukulong ako sa kwarto
Tinapon at sinunog ang mga gamit niya pati na rin ang aming mga litratoGinawa ko ito kasi para lang hindi na ako guluhin ng nararamdaman ng puso ko na matagal ko ng tinatago sayo
Pinipilit ko ito kahit ang sakit na sa puso
____________________________
🌧💔🌧
HAPPY BIRTHDAY NAMJOON, ARMY's MOST CUTEST LEADER😋😊💜
BINABASA MO ANG
𝘽𝙞𝙣𝙞𝙩𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖
Poesia💔 Bakit gusto mong balikan ang nakaraan kung wala ka namang mapupuntahan dahil doon nagsimula kung paano ka umuwi ng luhaan 💔 TRIGGER WARNING!!! Contains: Death Angst Bullying Depression Self-harm Anxiety Heartbreak People's dark personalities