💔 Bakit gusto mong balikan ang nakaraan kung wala ka namang mapupuntahan dahil doon nagsimula kung paano ka umuwi ng luhaan 💔
TRIGGER WARNING!!!
Contains:
Death
Angst
Bullying
Depression
Self-harm
Anxiety
Heartbreak
People's dark personalities
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*
Tula#2- Nararamdaman ng puso
Ok lang ako...
Ito ang mga salita na sinasabi natin kahit alam mong hindi totoo Mas pinipili mo ang isip mo kesa sa nararamdaman ng puso
Huwag kang mag alala nandito lang ako...
Ito rin ang palagi nating sinasabi mula sa ating mga bibig tuwing may nangangailangan Palagi tayong nandyaan tuwing sila ay binabaon ng kalungkutan Pero nandyaan ba sila sayo tuwing ikaw naman ang nahihirapan
Kaya mo yan, mananalo ka...
Ikaw ang suportadong kabigan na nasa isang sulok sumisigaw ng mga komplemento para lang hindi siya kabahan Masaya nga ito gawin pero malalaman mo nalang na kaya nila yan Hindi mo man lang maiuna ang sarili mo kasi mas ayaw mo silang pabayaan
Nahihirapan ka ba? Gusto mo tulungan kita...
Mas tinatanong mo sa kanila ito kahit wala silang pakealam parang akala mo mayaman Sila pa ang tinatanong mo kahit alam mo na sa sarili mo na ikaw ang mas nahihirapan Hindi ka nga rin nila dinadamayan o linalapitan Kasi alam nilang mahina ka, ikaw na nga ang tumutulong sa kanila kahit ikaw na ang nasasaktan
Ok lang ako Huwag kang mag alala nandito lang ako Kaya mo yan mananalo ka Nahihirapan ka ba? Gusto mo tulungan kita
Sawang sawa na ako sa mga linyang ito Alam ko naman sa huli iiwananan nila ako Tinatalo na ako unti unti ng nararamdaman ng puso Binabalot na ng kalungkutan at kadiliman ang buhay ko Ok lang yan, basta nandyaan ako sa tabi nila
Pero mas nahihirapan na akong piliin ang kaibigan kesa sa maging malaya
____________________________
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.