💔 Bakit gusto mong balikan ang nakaraan kung wala ka namang mapupuntahan dahil doon nagsimula kung paano ka umuwi ng luhaan 💔
TRIGGER WARNING!!!
Contains:
Death
Angst
Bullying
Depression
Self-harm
Anxiety
Heartbreak
People's dark personalities
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*
Tula#11 - Tagu-taguan
Tagu-taguan sa ilalim ng maliwanag na buwan
Tayo'y magtatago sa lugar na hindi tayo matatagpuan
Pwede rin sa isang madilim na lugar o kaya sa kanyang likuran
Kapag hindi mahanap ang kalaro bigla nalang susuko, susuko agad sa pagmamahal mo para sa kanya ng hindi mo man lang inaasahan
Ang sarap maglaro ng tagu-taguan parang kayong dalawa, grabe kayo talaga
Tagu-taguan ng nararamdaman katulad ng nangyayari ngayon sa mga binata at dalaga
Hanggang sa mayroon ng magsawa na at iwan kang mag-isa
O kaya ikaw naman ang umalis at nawala at iniwan siyang walang kasama
Wala naman tayong magagawa kasi ganito naman palagi ang nagaganap ngayon
Kung ano ano yung ibinibigay para lang maging kayo katulad ng mga tsokolateng nasa kahon
Mamahalin ka ng walang hanggan kahit nagkita palang kayo kahapon
Pero sa susunod itataboy ka rin nito para sa iba, para kang basura na tinapon
Ito ang laro nating mga kabataan
Ang sikat na laro na alam ng mahirap man o mayaman
Hindi lang ito laro kundi mayroon din itong malalim na kahulugan
Katulad ng tagu-taguan ng damdamin, kapag nahuli ng umamin sa isa't-isa mahirap ng intindihan kung bakit ang puso ninyo ay dinudurog ng dahan-dahan
___________________________
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.