Mundo

10 0 0
                                    

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

Tula#15 - Mundo


Ang tulang ito ay para lamang sa mga taong iniwan at niloko

Para ito sa mga iniwan ng kanilang mahal na mundo

Sana man lang huwag nilang kalimutan ang mga masasayang araw na ating binuo

Kahit hindi man kayo nagtagal hanggang dulo

Ating sisimulan sa una tayong nagkakilala para ating malaman kung bakit ba tayo palaging iniiwan at niloloko

Unang araw palang ng ating pagkikita nahubog ang aking puso

Dahil sa angking kagandahan taglay mo

Masarap pakinggan ang mga salitang mahal mo siya at mahal niya ako

Kahit alam naman ng isa diyan na hindi ka naman niya gusto


Ayaw niyang ika'y lubos na masaktan

At umuwi ng luhaan

Kapag kanya namang tinanggihan

Ang mga salitang 'mahal kita' kahit alam niyang walang mas hihigit pa sa inyo kesa sa maging magkaibigan

Nagtagal ng ilang araw, ilang linggo, at ilang buwan

Nakahanap rin siya ng iba niyang magiging kasintahan


Masakit sa pakiramdam na malaman mong hindi ka pala mahal niya noong una

Pero kailangan mo pa ring maging matapang sa harap nila

Ayaw mong ipakita na mahina ka pagdating sa kaniya

Kailangan pa rin kahit alam mong bibigay kana

Hanggang sa puntong hindi mo na kaya

Pero ang aking tanging hiling lang ay sana sulitin mong maging masaya

Kahit maligalig kana sa piling ng iba

Hahayaan muna kitang maging malaya

Kaso nga lang hindi ko kayang wala ka

Mahal pa rin kita aking sinta


Ikaw lang naman ang tanging tahanan ko at buong mundo

Kaso hindi na ikaw yung bumubuo ng puso ko

Sa susunod naman magkikita tayo

Pero na sa iba na ang piling mo

At hindi na ikaw ang kapiling ko

Iba na rin ang mahal mo

At iba na rin ang mahal ko

Ang nakakainis lang ay ikaw pa rin ang kayang magpatibok sa puso kong ito

Kahit alam kong wala nang mabubuong 'tayo'

Paalam nalang sa pinakamamahal kong tao sa mundo



































































































































Kahit iba na ang bumubuo ng mundo mo

______________________________

______________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


😩😥😩

𝘽𝙞𝙣𝙞𝙩𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon