💔 Bakit gusto mong balikan ang nakaraan kung wala ka namang mapupuntahan dahil doon nagsimula kung paano ka umuwi ng luhaan 💔
TRIGGER WARNING!!!
Contains:
Death
Angst
Bullying
Depression
Self-harm
Anxiety
Heartbreak
People's dark personalities
( Sorry sa late update medyo busy lang ako sa school😅, ito pambawi lara sa inyo😆 )
*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*
Tula#13 - Hanggang kaibigan lang
Noong unang nagkakilala
Hindi maintindihan ang nadarama
Simula pa noong una
Minahal kita noong tayo'y highschool pa
Nahulog ako sayo ng sobra-sobra
Pero sa huli walang sumalo
Syempre nahulog lang ako sa kanya hindi sa inyo
Akala ko sa huli mamahalin mo ako
Ayun pala, itinuring mo lang akong isang bola
Hindi mo ito pina-pasa sa iba dahil gusto mo akong maging paasa
Hindi ba yung bola linalaro?katulad ng puso ko pinaglalaruan mo lang
Yung puso kong ngayo'y sugatan
Dahil alam kong sa huli ay turing mo parin sa akin ay kaibigan
Hindi mo naman ako pinapaasa talagang paasa lang ako na mamahalin mo ako ng buong-buo
Hindi ko na kinaya umamin na ako sa iyo
Pero ano yung sinagot mo?
'Sorry pero may iba akong gusto'
Syempre ginawa ko nalang itong biro
Ayokong masira yung pagkakaibigan natin
Kaya ng ako nalang mag isa sinisi ko ang sarili ko kung bakit ako umamin
Umamin ako pero bakit nandyan pa rin yung pagkagusto ko sa kanya kung hindi naman niya ito kakailanganin
Mahal mo lang ako bilang kaibigan
Hanggang KAIBIGAN lang naman
Wala ng mangyayari na tayo ay magiging magka-IBIGAN
At wala ng mas hihigit pa sa ating dalawa
Ikaw ang sanhi kung bakit ako lumuluha
Tinatanong ko nga sa sarili ko kung umamin ako muli at sinabi ko sa kanya na mahal ko sya
Ganun rin ba ang kanyang sasabihin pagsineryoso ko na?
Pero kailanman hindi mo man ako tinitigan ng kakaiba
Hindi mo ako tinitigan na parang tinuturing mo akong mas hihigit pa sa magkaibigan, dyaan sa iyong dalawang mata
Katulad ng pagtingin mo sa kanya
Dahil siya lang naman ang sanhi ng iyong tawa
At hindi ako ang sanhi ng iyong pagluha
_____________________________
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.