Huling Sandali

41 1 0
                                        

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

Tula#4 - Huling Sandali

Iba ka....

Ayun ang unang pumasok sa aking isipan simula noong tayo'y nagkakilala
Akala ko ikaw ang type na palaging nanloloko ng babae pagkatapos iiwanan agad sila
Pero ang totoo iba ka talaga
Kesa sa basketball ang hawak libro ang laging dala
Doon ko nalang napansin na nerd ka pala
Buti na lang at hindi ka katulad ng iba
Pag nag English akala mo mano nosebleed ka na

Nerd ka nga pero maraming babae na humahabol sayo
Bakit? Kasi ang gwapo mo pero para sakin para kang aso na hinahabol ng mga amo mo
Ang sarap ngang panoorin kahit malayo

Ang cute mo...

Naalala ko pa nga ng una kitang naka usap harap harapan
Tawa na lang ako ng tawa kase ang cute mong tignan
Tapos noong bumisita ako sa bahay ninyo, asus, palagi kang nagtutulug-tulugan
Kaya yung ginagawa ko tatalon ako papunta sa kanya at dadaganan
Gusto ko nga lang mag mall nun pero ayaw nyang sumama hindi man lang ako mabigyan ng regalo sa birthday ko may pa Gucci, Channel, Louise Vuitton pa siyang nalalaman
Hay naku mahal ko siya bilang kaibigan pero grabe naman siya kayaman
Kinaladkad ko nalang siya habang nakahiga sa higaan papuntang hagdanan
Nagalit nga siya sa akin kaya ginawa ko linibre ko nalang sa sinehan
Ang saya nga namin noon ang sarap balik balikan

Gusto kita....

Hindi ko nga napapansin na nahuhulog na pala ako sa kanya
Tuwing nakikita ko siya, palagi ko siyang niyayakap ng mahigpit akala mo hindi kami nagkita ng ilang dekada
Ang totoo kasi miss ko na siya
Ayaw ko lang aminin pero hindi ko kayang silayan na may kasama na siyang iba

Mahal kita, kaso malabo ang maging tayo....
 

Dapat nga maaga akong umamin
Kasi hindi ko kayang tiisin ang makita kang may iba ang sakit sa damdamin
Umamin ako kung saan huli na
Kung saan may mahal ka ng iba
Kung saan nagpakasal ka na
Kung saan magkakaroon na kayo ng pamilya
Pero ang mas masakit sa lahat ay ang minahal mo rin pala ako dati noong tayo'y unang nagkakilala
Ang sakit kasi sabay tayong nagkagusto sa isa't isa
Pero umamin kung saan hindi na puwedeng maging tayo kasi huli na

Hindi na puwede....

Magkaharap sa isa't isa tahimik na humihikbi
Mga luhang tumutulo sa ating mga pisngi hanggang sa umabot ng hatinggabi
Hindi makagalaw sa sariling kinatatayuan gustong sabihin na mahal kita kaso kailangang tanggihan
Dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ang ginawa ko na lang ay umalis sa harap niya at nagmadali
Habang naglalakad ng mag isa pauwi
Umiiyak habang ang ulo ay nakabaon sa unan kasi alam kong mahirap ang pumili
Kung ang pagmamahal ko sa kanya ay mananatili o pababayaan lang ito dahil ito ay mali
Mabuti nga nakita ko man lang siya kahit hindi ko siya pagma may-ari
Hinding hindi ko makakalimutan ang ating mga masasayang pangyayari
Mga araw na ginagamot mo ang mga sugat ko sa aking binti
Mga oras kung saan tawa tayo ng tawa parang abot langit ang ngiti
Titiisin kong makita ka na masaya sa piling ng iba kasi ito ang mas nakakabuti
Salamat at nasilayan man lang kita kahit isang saglit...







































































dahil ito na ang ating huling sandali

____________________________

____________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

😥👤💔👤😥

𝘽𝙞𝙣𝙞𝙩𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon