💔 Bakit gusto mong balikan ang nakaraan kung wala ka namang mapupuntahan dahil doon nagsimula kung paano ka umuwi ng luhaan 💔
TRIGGER WARNING!!!
Contains:
Death
Angst
Bullying
Depression
Self-harm
Anxiety
Heartbreak
People's dark personalities
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*
Tula#8 - Lihim
Nasasaktan...
Nahihirapan...
Palaging mag-isa...
Walang magawa kundi ilihim sa iba
Yan ang palagi nating ginagawa
Ilang beses mo na rin itong ginawa pero habang tumatagal lalong lumalala
Hindi na kinaya
Kahit man ilabas natin ang ating mga damdamin kailangan pa rin natin itong itago
Ayaw sabihin sa iba kasi ayaw nating masabihin ng mahina at walang kuwenta tayo
Mahirap ilihim sa iba ang totoo nating nararamdaman
Pagnakita mo akala mo sobrang saya niya talaga malakas palagi ang loob hindi kinakabahan
Pero ang hindi mo alam na siya ay nasasaktan
Kaya nating ilihim sa iba ang totoo mong damdamin
Kailangan nating ilabas na tayo ay walang problema sa buhay laging masiyahin