Isa, dalawa, tatlo

16 0 0
                                    

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

Tula#16 - Isa, dalawa, tatlo

Mahilig tayo magsulat at magbasa ngayon naman ay sisimulan naman natin ang tulang ito sa pagbilang ng mga numero

Mga numerong magsisimula sa isa, dalawa, tatlo

Isa...

Isang araw, isang linggo, isang buwan, isang taon kitang nakasama

Ikaw ang pinakauna kong kaibigan na tumulong sa akin sa hirap at ginhawa

Ikaw ang pinakamamahal kong alaala

Ang iisang tao na kaya akong mapaluha

Mula sa kalungkutan at kasiyahan sa tuwing kapiling kita

Nahulog ang aking loob ng una ko pang nasilayan ang iyong mga mata

Ang mahal kong kaibigan, kaibigan lang ang tingin sa akin at wala nang hihigit pa

Ang hindi ko lang alam ay sa dulo ng aming pagkakaibigan mawawalan rin siya ng gana na masilayan ang aking mukha

Dalawa...

Dalawang taon na tayo nagkikita

At hanggang ngayon kaibigan pa rin ang tingin mo sa akin at wala ng iba pa

Ok lang yan basta't masaya kang maging malaya

Wala ka pa namang nagugustuhan

Kaya ako nalang ang palagi mong kadama'y sa kahirapan

Maraming nag-aakala sa atin na tayo raw ay magkasintahan

Kahit wala ka namang balak na ako'y iyong pakasalan

Pero ikaw pa rin ang aking binantayan

Ako ang taong nagpapangiti sayo sa tuwing ika'y nakasimangot

Ako rin ang taong nagpaligalig ng araw mo sa tuwing ika'y nalulungkot

Tatlo...

Ito naman ay tungkol sa ating dalawa..? Ay mali may dumagdag na palang isa

Ng dumating lang siya sa buhay natin ay nahulog ka na agad sa kanya

Ang masaklap lang ay siya na ang parati mong sinasamahan at ako palagi ang naiiwang mag-isa

Ang galing noh? Umulit tayo sa numerong isa

Bakit? Kasi parati namang ako ang iniiwang walang kasama

Ang sarap pakinggan ang mga salitang 'bagay tayong dalawa'

Kung iba naman ang gusto niyang makasama

Sasabihin sayo na intayin ka niya sa labas ng eskuwelahan

Kung sa huli iba naman ang kanyang pupuntahan

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu

Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo

Ikaw pa ang nakakuha ng atensiyon ko

Ikaw ang nagustuhan ko

Ikaw rin ang minahal ko

Pero iba ang mahal mo

Mas maganda nga kung hindi siya ang gusto mo kundi ako

Para lang akong isang luho

Pinangkukuhanan mo lang ng kasiyahan

Pero hindi mo naman iniingatan

Hindi mo rin ito inaalagaan

Tingin mo sa akin ay isang luho samantalang tingin mo naman sa kanya ay parang kayamanan

Na halos lahat ay gagawin mo para lang sa kanyang kalagayan

Nasisilaw ka lang kasi sa taglay niyang kagandahan

At ako naman ang iyong pinabayaan

Hindi ko na kayo guguluhin pa,
hindi na ako magiging third wheel sa buhay niyo

Kung naranasan niyo man masaktan sa taong iyong gusto

Idaan nalang natin ito sa pagbilang ng mga numero na magsisimula sa isa, dalawa, tatlo

Pabilang ko ng isa mawawala ka na sa buhay ko

Pagbilang ko ng dalawa ika'y aking masisilayan nalang hanggang sa ating mga litrato

Pagbilang kong tatlo

Tatlo...

Tatlo tayo pero umalis ako

Bakit? Kasi iniwan mo rin ako

Tatlo...

Paalam na lang sa taong pinakamamahal ko pero hindi naman ako ang kanyang gusto

______________________________

______________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


😕😞😕

𝘽𝙞𝙣𝙞𝙩𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon