BLOOD 5 "Mark"

3 0 0
                                    

Yes I already mark her, the thing that I never done for Alice, pero sapat ba ang markang iyon para sabihin kong akin siya... Lalo na kung alam ko na maaring mawala iyon kapag ginusto niya...
~ Jhonas Salvador

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"M A R K"

Naranasan na ba ninyong tawagin sa isang pangalan na hindi naman kayo... Tinatawag ka nila sa isang pangalan na hindi naman iyo pero pilit nilang ipag pipilitan dahil kamukha mo ito...

Hanggang ngayon ay litong-lito ako sa paraan ng reaksiyon at pag tawag nila sa pangalan na iyon na hanggang ngayon ay isa paring misteryo sa akin, una tinawag akong Alice pero makikita ang galit at pag kamuhi sa mukha, pangalawa ay ang pagtataka at kaguluhan sa mukha na tila hindi makapaniwala sa nakikita, at ngayon tinawag ako sa pangalang iyon na tila nasasaktan, nag dadalamhati at nangungulila...

"A- Alice"

Bigla naman ako nitong niyakap na tila matagal kaming hindi nakita, habang may mga sinasabing hindi ko maintindihan, dahil sa gulat sa kanyang ginawa...

"I- I'm not Alice" sambit ko na nagpatigil sa kanya, bahagya itong lumayo sa akin na may kunot na noo

"W-what?"

"Hindi ako si Alice... At kung sino mang Alice ang sinasabi ninyo ay hindi ko kilala... So Mister can you please let me go" sambit ko habang kunot ang noong nakatingin sa lalaking nakasuot ng pang maharlikang damit katulad sa Aroganteng bampira na may kapa sa likod subalit tila pinagsamang kulay na asul at puti ang kanya, ang sa Aroganteng bampira naman ay pula at ginto...

"But how?" Nalilitong sambit nito na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko at sa nakikita niya, nakita ko nalang ang pagtalsik nito sa kabilang gilid ng silid na ito, bahagyang nag karoon ng crack sa pader na nasandalan nito...

"Don't touch my woman" seryosong sambit ng Aroganteng bampirang ngayon ay nakatalikod sa akin at nakaharang na tila pinoprotektahan ako, hindi ko alam kung ano ang dapat na nararamdaman ko dahil sa narinig mula sa kanya, I even felt how my heart beating faster... Napahawak na lang ako sa dibdib ko kung saan nakalagay ang puso ko, habang nakatingin sa likod ng Bampirang tanging nakakagawa ng ganitong reaksiyon sa katawan ko...

"You're woman" sarkastikong sambit ng bampirang bigla nalang sumulpot at sumugod sa akin, nakita kong nakatayo na ito at pinapahid ang dugo sa labi habang seryosong nakatingin sa bampirang nasa harapan ko, habang ang Hari ay nakatayo lang sa likudan ko na nasa tabi ng pinto at nanunuod, hindi ko manlang narinig ang kanilang pag dating ang bibilis nilang kumilos...

"Yes she is my woman..." Ulit pa nito na nag patungo sa akin.

Bakit kung sabihin niya iyon ay kami at pag aari niya ako... Na tila may relasyon kami kahit wala naman, nakita ko naman ang bahagyang pag ngisi ng Hari sa narinig mula sa kanyang kapatid na seryosong nakatingin sa Bampirang nanggulo sa pananahimik ko, naramdaman ko na lang ang biglang pag lamig ng silid, kung kanina ay sobrang lamig ay lalo pa atang lumamig nakita ko nalang na may matutulis na bloke ng yelo ang umuusbong mula sa nagyeyelong sahig ng silid na tila gumagapang palapit sa akin, halos manlaki naman ang mata ko nang papalapit na ito sa akin, hanggang sa makulong na ako sa loob nito...nakita ko naman na mabilis na kilos ng Aroganteng bampira at tila may apoy na lumabas sa kamay nito habang pinipigilan ang yelo na bumabalot sa akin, nakitulong narin ang Hari at siya ang mano-manong nakipaglaban sa bampirang gumagawa ng yelo... Bago magsara ang yelo ay nakita ko ang mapulang mata nito na may pag-aalala at takot...

Nag aalala ba siya sa akin? Takot? Para saan? Mamamatay ba ako dito, mapait akong napangiti habang nakatingin sa bloke ng yelong nakabalot sa akin wala na akong nakikita pero kahit papaano ay naririnig ko ang ingay mula sa labas, pilit kong tinatanggap na hanggang dito na lang ako... Na ito na ang katapusan ko, sabagay wala naman akong babalikan, wala na akong magulang, tila ayaw narin akong makita ni sister, at ayokong maging kargo pa ako ng kaibigan ko na kahit gaano pa kalala ang ugali ko ay nagawa niya akong pakisamahan...

BLOOD: The Power Of Sacred JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon