"The Tower Clock"
Reality is painful and the world is cruel ~ Summer De Guzman
♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦Summer's POV
Isang simpleng buhay ang mayroon ako, yung tipong may bahay na matitirhan, may mga damit, at kahit papaano ay nakakakain kahit tatlong beses sa isang araw plus may meriyenda at midnight snack, pero kung inaakala ninyo ang simpleng buhay na mayroon ako ay masaya...
You're wrong! Wala na akong magulang maliit pa lang ako hindi ko na sila namulatan pa, lumaki ako sa isang ampunan and to tell you the truth, kahit may gustong umampon sa akin ay ayoko, pinilit kong mamuhay katulad ng iba, kung akala ninyo na masaya ang maampon ng mayayamang pamilya, nagkakamali kayo at iba ako sa kanila, mas pinili kong manatili ang pangalan ko at ayoko mapalitan ng pangalan ng iba...
Sister Bea took care of me, she even gave me what I needed, pagtungtong ko ng labingwalong taon ay pinayagan akong umalis ng ampunan upang buhayin ang sarili ko, kahit pa na tinutulungan ako ng aming simbahan, libre lang ang pag-aaral ko, at sila ang nagbabayad mg tuition ko, pero para makatulong ay pinilit kong makapasok sa scholar at maging isang student assistant, graduate ako ng Senior high na may mataas na parangal, at dahil dito ay natulungan ko ang sarili na matutong mabuhay ng mag isa...
Pero aaminin ko, kahit ganito ang buhay ko hindi ko parin maiwasang malungkot, naiinggit ako sa mga kaklase ko noon simula Elementary hanggang Senior high dahil may mga magulang sila na sumusuporta sa kanila kahit saan sila sumali, mga magulang na magagalit sa iyo kapag may ginawa kang mali, magulang na yayapusin ka kapag nalulungkot ka at magulang na mahal na mahal ang kanyang anak, minsan hiniling ko na...
Sana may magulang din ako katulad ng iba, sana may magulang din ako na yayapos at gagabay sa akin, magsasabi ng tama at mali...
Sana may magulang din ako na susuporta sa mga gagawin ko, sa mga pangarap ko maging sa buhay na tatahakin ko Pero hanggang sana lang lahat, dahil alam ko sa sarili ko na hindi iyon mangyayari, dahil wala akong magulang...
Kung may mga magulang ba ako, hindi ba ako lalaki sa isang bahay ampunan? Hindi ko ba mararanasan na maghirap para lang mapangalagaan ang sarili? Alam kong masama ang maiinggit pero masisisi niyo ba ako, lumaki akong walang gabay at pag mamahal ng isang magulang, lumaki ako sa isang bahay na puno ng mga batang nangangarap na magkaroon ng magulang na aampon sa kanila...
Reality is painful and world are cruel
Yan ang nakamulatan ko noon habang ako ay lumalaki, totoo naman, hindi ba? Na hihilingin mo na lang na sana may imaginary world na makukuha mo ang gusto pero hindi ehh, nasa reality tayo...
Isang reyalidad na nag papatunay na hindi lahat makukuha mo, na hindi lahat puro kasiyahan, mas madalas pa ang kalungkutan kaysa sa kasiyahan, mas madalas na masasaktan ka dahil umaasa ka sa isang bagay na maliit ang tiyansa na maaring mag katotoo...
World is too cruel, totoo naman, hindi lahat masaya sa nangyayari sa mundo, hindi lahat nakakakita ng kagandahang dala ng mundo dahil mas nakikita natin na hindi lahat ay may maayos na buhay, ang iba ay nagsisipag para sa pamilya subalit madalas ay hindi napapansin ng iba, may mga taong ganid at mapangmata...
May mga taong para lang mabuhay ay gumagawa ng masamang bagay, bakit? Dahil ang mundo mismo ay hindi makatao, ang mga tao mismo ang ganid sa kapangyarihan at karangyaan na handang alipustahin ang kapwa para lang sa pera...
Masyado na ba akong madrama, pasensiya na, ganito siguro ang nagagawa kapag lumalaki kang nag kakaisip at unti-unti mong napapansin ang malungkot na katotohanan, lahat ng bagay kailangan mong pag hirapan, lahat ng bagay na gagawin mo ay may kapalit, makungkot at kasiyahan man iyan
BINABASA MO ANG
BLOOD: The Power Of Sacred Jewel
Vampiros"Our love is forbidden and will never exist from this supernatural world! we came from a different clan with different rules and beliefs but our love is clear as crystal"