BLOOD 18 "She"

3 1 0
                                    

"Yes she do love this Arrogant Vampire and she's proud..."

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

"S h e"

Mainit...

Maingay...

At purong gulo...

Nakakatakot at nakakapanindig balahibo...

Mga sigawang puno ng pasakit at pag hihirap, mga daing na puno ng lungkot at luha...

Ang dating magandang lugar ay naging isang delubyo para sa lahat ang dating tahimik ay napuno ng sigaw na puno ng sakit at daing, ang dating malinis ay napuno ng dugo at tunog ng mga sandatang tumatama sa kapwa sandata, ang dating pag kakaintindihan ay napuno ng gulo at tulakan...

Ang mga batang dating masayang nag lalaro ay wala nang mga buhay at puno ng dugo ang bawat mga katawan...

Ang mga kababaihan na puno ng pag susumamo wag lang silang patayin ay nakaluhod habang may mga dugo sa ulo, ang mga kalalakihang walang habas na pinapatay sa harap ng kanilang pamilya, sa harap ng kanilang anak at kapatid

Ang dating kaharian na hinahangaan at tinitingala ng lahat ay tila isang impiyernong puno ng nag aalab na galit at dugo, mga kabahayang natutupok ng apoy, at maging ang kaharian na dating makulay at matayog na nakatayo ngayon ay unti-unting nagigiba at natutupok ng apoy...

Isang larawan ng digmaan ang aking nakikita, isang tunog ng mga taong nag hihirap at puno ng hinanakit, at amoy ng mga dugong galing sa mga inosenteng tao na walang kinalaman sa madugong digmaang ito...

"This is your fear" tila boses ng isang lalaking natutuwa sa kanyang nakikita

"Sino ka?" Tanong ko habang nililibot ng tingin ang paligid subalit hindi ko ito nakita, tanging nag liliyab na kabahayan at mga taong dumadaing dahil sa sakit, at lungkot...

"This is your greatest fear" nakakapanindig balahibo ang boses na narinig ko at kasabay nito ang pag babago ng paligid...

No... Halos manlumo ako sa pamilyar na lugar kung saan hanggang ngayon ay nasasaktan ako, sa lugar kung saan naging saksi ng pag mamahalan nila AV at ni Alice...

Hindi ko na kaya pang tagalan ang nakikita ko at mas lalong hindi ko na kayang tiisin pa ang sakit sa puso ko na dulot ng lugar na ito...

"Tama na... Nakikiusap ako... T- Tama na..." Naiiyak na sambit ko habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa aking tainga at ang mga mata ko naman ay madiin ko na lamang na ipinikit

Umaasang sa pamamagitan nito ay hindi ko na makita ang paligid at hindi ko na marinig ang ingay...

"Sum... Sum... F*ck... Sum wake up"

BLOOD: The Power Of Sacred JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon