BLOOD 20 "PAPER"

8 0 0
                                    

"P A P E R"

"Because I know that I am the only AV in your life, not Herlioth and not anyone... So call me AV when you want... Don't change it..."

♦♦♦♦♦♦

Masayang- masaya si Summer dahil napag bigyan ng Hari ang kanyang hiling na makabalik sa kanyang mundo, hindi niya nais na bumagsak sa kanyang klase, lalo pa at graduating na siya, isama pa na kandidato siya sa pagiging cum laude...

"Bakit kailangan mo pang bumalik sa mundo ninyo?" Naiinis na tanong ni Jhonas na inismiran naman ng dalaga

"Eh sa may kailangan akong tapusin babalik din naman ako..."

"Dapat sinisimulan na natin ang pag lalakbay, pero ito ka at kung saan pupunta..." Inis paring sambit ni Jhonas

Nag pamewang si Summer at tinaasan ng kilay si Jhonas "Mawalang galang na Mahal na Prinsipe, hindi lang sa kung saan ako pupunta okay, I need to go back on my world for my future, hindi lang ito ang mundo ko..."

"Tsk" isang malakas na palatak na sambit ni Jhonas at naglakad papasok sa palasyo, nakahinga naman ng maluwag si Summer at sinundan lamang ng tingin ang binata

"Don't mind him... Sanay siyang kumilos ng mag isa, pero mukhang hindi na siya sanay na hindi ka nakikita..." Sambit ng Hari habang nakatingin din kay Jhonas na nasa loob na ng palasyo

"I don't think so, sarili lang niya ang iniisip, at nakakainis iyon" komento ni Summer na inilingan naman ng Hari

"Sabihin mo, hanggang kagat lang ba ang nangyari sa inyo ng aking bunsong kapatid?" Nakangiting tanong ng Hari na ngayon ay nakatingin sa dalaga

Tila namula naman ang mukha ni Summer habang bumabalik sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Jhonas, ang paulit-ulit nitong pag halik sa kanyang labi, maging ang pag hawak nito sa kanyang katawan...

"W-wala" naiilang na sambit ni Summer na nginisian ng Hari

"I'm asking you kung hanggang kagatan lang, but I didn't ask kung may nangyari... Summer your too obvious" natatawang sambit ng Hari

"H-hindi ahh" tanggi pang muli ng dalaga sa huli ay umiling nalang ang Hari

Muling napatingin si Summer sa nilakaran ni Jhonas, pero wala na ito, inilibot niya ang tingin sa paligid ng palasyo, and their gaze met, she saw Jhonas standing on the terrace of her room, matamang nakatingin sa kanya ang binata, walang kahit anong mababakas na emosyon sa mukha nito, pero sapat na iyon sa kanya....

"Maari ka nang sumakay binibini" sambit ng Hari, tumango naman si Summer, iaalis na sana niya ang tingin kay Jhonas pero tila may sinabi si Jhonas, isang bulong na nag pabilis sa kanyang puso, isang bulong na tanging siya lang ang nakakaintindi, at isang bulong na lalong nag papula sa kanyang mukha, napansin naman ito ng Hari kung kaya't nag alala siya sa dalaga

"Summer... Are you sick" mabilis na lumingon si Summer habang itinatago ang hiya sa mukha

"May sakit?— a-ako?"
Tumango ang Hari

"H-hindi... Mainit lang siguro... Oo mainit nga" sambit ni Summer habang pinapaypayan ang sarili, muling napailing naman ang Hari...

Paanong nasabi ng dalaga na mainit, samantalang umuulan ng niyebe sa kanilang lugar... Tumingin siya sa kaninang tinitingnan ni Summer pero wala siyang nakita na kahit na sino, but he know who it is...

MALUMANAY ang pag takbo ng sinasakyan ni Summer at mahigit kalahating oras narin ang nilakbay ng kanyang sinasakyan...

Upang makabalik sa kanyang lugar ay dapat pumunta siya sa lugar ni Amy kung saan naandon ang lagusan papunta sa kanyang panahon, subalit imbis na pag balik ang kanyang nasa isip, tila nag lalakbay ang kanyang isip sa panahong kasama ang pangatlong Prinsipe

BLOOD: The Power Of Sacred JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon