BLOOD 3 "The Arrogant Vampire"

4 0 0
                                    

"T h e A r r o g a n t
V a m p i r e"

May mga bagay talagang nangyayari na hindi natin maipapaliwanag, isang pangyayari na papaniwalaan mo nalang kapag nakita at naranasan mo na, pero paano kung kapalit ng kakaibang karanasan ay ang buhay mo, handa ka bang isugal ang buhay na meron ka para lang makakita ng ibang mga bagay na bago sa iyong paningin...

Siguro kung isa kang siyentipiko, dahil sila ang mga klase ng mga taong handang ibuwis ang buhay para lang makakuha ng kaalaman na maitatalaga sa kasaysayan...

Pero sa dami ng tao bakit ako? Ni hindi ko pinangarap na makakita ng mga kakaibang nilalang, una ay ang babaeng alupihan na bigla nalang akong hinila papasok sa tore ng orasan, at bigla akong itinulak paloob ng isang painting... Akala ko ay simpleng larawan lang iyon kung saan nakakabit dito ang pandemonium clock na kulay ginto, ang akala ko ay display lang ito para sa orasan pero hindi pala, ang akala ng lahat ay isang haunted clock tower lang ito dahil walang nagbalak na pumasok dito, pero ako...

Ako ang kaunaunahang tao ang nakapasok dito accidentally, at makikita ko na may isa pa palang orasan sa loob mismo ng malaking bilog na orasan, at ang malala may halimaw palang nakatago dito, at may hiwagang nakalakip sa larawan tila isang lagusan sa kabilang mundo...

Pero ang tanong... Nasaan ako? Anong klaseng lugar ang napuntahan ko? Anong klaseng tao ang nasa harapan ko na may mapupulang mata at may matitilus na pangil...

"B- bampira ka?" Wala sa wisyong tanong ko dahil sa mga pangyayaring ikinabigla ko at bago lang sa aking paningin

"Alice?" Sambit nito ang kaninang maaliwalas na mukha ay napalitan ng galit at pagkamuhi ang maganda nitong mata, dahilan para kabahan ako, akala ko ligtas na ako, akala ko makakabalik ako ng buhay sa sarili kong mundo pero mali pala, akala ko kapag natalo na ang halimaw ay makakahinga ako ng maluwag pero mali dahil ang mismong tinulungan ko ang papatay sa akin...

Halos madapa-dapa ako sa kakatakbo at dahil sa madulas na daan, pero pinilit kong makatakbo palabas ng kweba nakita ko nalang ang bilog na buwan na nagpatindig ng balahibo ko, isama pa ang ihip ng hangin, kung hindi lang ganito ang kalagayan ko ay baka ninamnam ko pa ang sariwang hangin at maaliwalas na kapaligiran, pero sa ngayon kailangan kong makatakas para mabuhay...

Hindi pa ako nakakalayo sa kweba ay may naramdaman akong hangin mula sa likod ko kaya dahan-dahan akong lumingon dito na sana ay hindi ko ginawa...

Napaatras nalang ako ng makita ko na nakalapit na ito sa akin... Paano hindi ba at naandoon siya sa loob? Oo nga pala bampira siya, pero akala ko isa lamang silang kathang isip na binuo panakot sa mga dalagita na maglagi pa sa labas, isang fictional creature sa mga palabas na mula sa ibang bansa...

"W- wag kang l-lalapit..." Nauutal kong sambit habang umaatras, bigla namang ngumisi ang bampirang nasa harapan ko

"Alice... I thought you were brave, you even seal me on that f*cking coffin inside that d*mn cave" he shouted in range na halos ikalundag ko dahil sa lakas ng boses...

Alice? Kanina pa niya akong tinatawag na Alice... Sino ba si Alice at galit na galit ang bampirang ito sa nagngangalang Alice, at bakit ako? Kamukha ko ba siya?

"Sino bang Alice ang sinasabi mo? I am not Alice... I am Summer" I shouted out loud baka sakaling malaman niya na hindi ako ang Alice na sinasabi niya Ano ba ang ginawa ng Alice na iyon at galit na galit ang bampirang ito...

Kung ganoon pala si Alice ang naglagay sa kanya sa loob ng coffin, kawawa naman ang bampirang ito...

"Don't act like you don't know... Ikaw ang nagkulong sa akin" galit pa nitong sambit na ikinainis ko...

BLOOD: The Power Of Sacred JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon