BLOOD 14 "My Decision"

1 0 0
                                    


"M y  D e c i s i o n"

May mga bagay na talagang nangyayari dahil ito ang nakatadhanang maganap, na kahit pa paulit-ulit ay hindi mo mapipigilan.

Isang halimbawa nito ay ang pag ibig, paulit-ulit ka mang masaktan pero hindi mo mapipigilan ang nararamdaman mo, kahit pa sabihin ng ibang tao na...

"Ang tanga mo, nasasaktan ka na pero patuloy ka parin, hinahayaan mo pang saktan ka ng sobra"

Tell me mali ba na mag mahal? Mali bang mahalin ang isang tao na kahit masakit ay patuloy mo lang minamahal, na kahit pinipiga na ang puso mo ay patuloy mo paring ginagawa, mali ba iyon?

Pero mas mali na nag mahal ako ng maling tao, minahal ko ang isang katulad niya na may mahal pang iba, ang gulo hindi ba, pero ang mas lalong nagpapagulo ay ang mga nangyayari sa akin, nalaman ko na isa akong reincarnation ni Alice, at hindi lang iyon siabi rin nito na isa akong Priestess na katulad nila...

And worst magiging tagapangalaga ako ng diyamanteng bigla nalang lumabas sa kung saan, and more worster is that I will participate a damn war, not just a simple war but a damn freaking bloody war, sa palagay nila kakayanin ko iyon? kung kayo ang masa kalagayan ko papayag ba kayo?

Kahit alam ninyo na madami kayong makikitang dugo, maririnig na hiyawan, iyak at pag hingi ng tulong at tunog ng mga ibat-ibang sandatang nag niningas sa tuwing tatama sa kapwa espada...

kasi ako natatakot, natatakot ako sa maaring mangyari kaya para malayo ako pansamantala sa problemang ito ay sumama ako kay Yna na tahimik lang na naglalakad sa unahan ko...

"Tell me, saan tayo pupunta?" Tanong ko lang dito, isang oras narin kaming naglalakad sa kagubatan na ito, nakikita kong papalubog na ang araw kung kayat medyo dumidilim na din...

"Malapit na tayo konti nalang" sambit nito kaya't itinikom ko nalang ang aking bibig

I just sigh in boredom, I even embrace my self because of the cold breeze air...

Sa layo ng nalakad namin ay nararamdaman ko na ang pananakit ng paa ko, at isa pang nakakainis ay ang damit na suot ko na pag kahaba-haba para tuloy akong nasa ibang bansa dahil sa damit na suot ko katulad ng mga lumang damit sa Romeo and Juliet, please remind me not to wear this kind of clothes again, ever...

Speaking of my clothes, yung uniform ko ay naiwan sa palasyo nila AV pero wala na akong oras para problemahin iyon, kailangan ko nang makahanap ng paraan para makauwi, I miss my room, the scent of the air in an urban area, where I came from, sa ngayon hindi ko muna iisipin ang problema sa lugar na ito, gusto ko munang umuwi upang mag isip…

"We're here" sambit ni Yna sabay lahad ng kamay sa isang lumang Kubo dahilan para mapakunot ako ng noo

The hell, paano ako matutulungan ng isang lumang kubon, for damn sake  hindi ko ito bahay at mas lalong hindi ko ito lugar, pinag loloko ba ako ng batang ito, naku poooo... Papatulan ko ang batang babaeng ito promise nagtitimpi lang talaga ako, imbis na mag salita ako ay sinamaan ko siya ng Are-you-kidding-me-look and do-you-wanna-die-look...

Bigla naman itong tumawa dahilan para lalo akong nainis, ano ba ang nakakatawa? Natatawa siya dahil naloko niya ako, Nakuuuu sinasabi ko na nga ba hindi na sana ako nakinig at sumunod sa kanya dahil hindi siya mapag kakatiwalaan, hindi talaga

"Don't judge the book by it's cover" sambit nito dahilan para mapako ang tingin ko sa lumang Kubon na konting-konti nalang ay matutumba na dahil sa sobrang kalumaan

"How did you know that?" Takang tanong ko na hindi parin inaalis ang tingin sa kubon

"Well ito lang naman ang kasabihan sa inyong mundo hindi ba? How did I know that proverb of yours, sabihin na natin na ilang beses na akong nakakarating sa inyong lugar para mamasyal" kibit balikat na sambit nito na tila wala lang sa kanya iyon...

BLOOD: The Power Of Sacred JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon