Isang malaking mansiyon na nakaharap sa bilog na buwan na nag sisilbing liwanag sa paligid, ang lugar na tahimik at mansiyong puno ng hiwaga, kinakatakutan subalit hinahangaan, ang itim at malaking mansiyon ay napapalibutan ng makapal na bakal na nag sisilbing harang ngunit sa sobrang kalumaan ay nag sisimula na ring mangalawang...
"Ang dalaga... Ilabas" sigaw ng isang matandang lalaki sa harap ng bakal na harang, ang kaninang tahimik na lugar ay napuno ng sigawan at pag aalala
Nag simula naring mag silabasan ang mga tao, mapa lalaki, babae, bata at matanda and ibay may dalang sulo na kanilang liwanag sa madilim na daan...
"Ilabas ang dalaga, ang alay ay kailangan" sigaw ng isa sa umuuga ng makalawang na gate
Nag simula namang mataranta ang mga tao sa loob ng mansiyon na pinoprotektahan ng malaking gate, madalas din silang sumisilip sa labas upang makita nila ang ginagawa ng mga tao sa labas, ang ilang kasambahay ay mabilis na kumikilos upang mag tago at ang mga taong may mataas na katungkulan ay tumutulong sa kanilang amo upang itakas ang kanilang anak na nasa edad na disisyete at tila walang kaalam-alam sa nangyayari
"Ama... Ina ano ba ang kanilang nais... Natatakot ako... I-ina" tila naiiyak na sambit ng dalaga
Ang dalaga ay sadyang may gandang taglay na hinahangaan ng lahat mula sa maputi nitong balat na tila pinaliguan ng gatas at lalo pang tumingkad ang kaputian dahil sa suot nitong damit ang matangos na ilong maliit ngunit mapulang labi at ang mahaba nitong buhok na umabot sa kanyang baywang,
Her mother hug her lovingly"Aking anak... Patawad subalit nais kong lumayo ka sa lugar na ito at hindi na bumalik pa" malungkot na sambit ng kanyang Ina habang hinahaplos ang mukha nito, mabilis namang hinawakan ng dalaga ang kamay ng kanyang mahal na Ina
"Pero paano kayo, si Ama... Ayokong malayo sa inyo, ayokong mawalay sa inyo, Ina sumama na kayo sa akin, Ina" puno ng pag susumamong ani ng dalaga habang umiiyak at madiing nakahawak sa kamay ng inang humahaplos sa kanyang mukha
"Ang aking anak, ay dalaga na, subalit humihingi ako ng patawad dahil hindi ko makikita ang pagiging ganap mong babae, tandaan mo mahal na mahal ka namin ng iyong Ama... Michaela" isang tipid na ngiti ang iginawad niya sa kanyang anak
Nalulungkot sa nalalapit na pag kakalayo nila, subalit walang ibang magagawa kung hindi ang mag paiwan upang mailigtas ang kanilang unica ija ang nag iisang tagapag mana ng kanilang pamilya ang prinsesa ng mga vampire hunters ang taga pangalaga ng mga maharlikang bampira.
Subalit dahil sa isang traydor na nag nanais ng malakas na kapangyarihan ay nasira ang kanilang reputasyon, kinasusuklaman ang kanilang pamilya at sinasabing ang kanilang pinag lilingkuran ay isang masamang nilalang, mga bampirang pumapaslang para sa kanilang kapakanan, pero alam nila na may kinalaman ang traydor nilang kasapi sa kaguluhan na ito.
May kamay na humawak sa balikat ng dalagang si Michaela, at seryosong tiningnan ang kanyang anak, naluluhang tumingala naman si Michaela sa kanyang Amang may malungkot na mata
"Ama... Sumama na kayo sa akin, Ama" umiling lamang ang kanyang Ama na labis niyang hinahangaan
" Anak, nais kong maunawaan mo ang ating kalagayan, sa ating lahat ikaw ang dapat na makaligtas, ikaw ang mag papatuloy ng ating nasimulan... Michaela nais kong pumunta ka sa kaharian ng Amaphile ang Hari sa imperyong iyon ay anak ng aking matalik na kaibigan... " Nakangiting sambit ng kanyang Ama, malamyos ang kamay na hinawakan ang ulo ng anak at nag patuloy sa pag sasalita "Iabot mo ang bagay na ito" inilabas nito mula sa kanyang bulsa ang isang kakaibang gintong bilog at sa gitna nito ay may nakalagay na isang malaking V at may guhit na patagilid at sa baba nito ay ang malaking H isang simbolo ng kanilang samahan "Sa oras na maipakita mo ito masisiguro ko na makikilala ka ng Hari ng Amaphile at ikay kanyang matutulungan, Anak kailangan mong makaalis sa lalong madaling panahon, ikaw nalang ang pag asa ng pamilya at ng ating samahan, hanapin mo ang ibang miyembro at gumawa kayo ng panibagong samahang tutuligsa sa lahat ng kataksilan at kasamaan, pangalagaan mo din ang maharlikang pamilya ng Amaphile sundin mo ang kanilang utos... " Huling sambit ng kanyang Ama na tuluyang nakapag paiyak sa dalaga
BINABASA MO ANG
BLOOD: The Power Of Sacred Jewel
Vampire"Our love is forbidden and will never exist from this supernatural world! we came from a different clan with different rules and beliefs but our love is clear as crystal"