Blood 1 "Prologue"

5 0 0
                                    

P r o l o g u e

Sa bawat desisyon ay may kaakibat na kapalit at kabayaran, maaring masama at maaring mabuti, pero hindi lahat ay may magandang kinahihinatnan mas madalas ang desisyon na ginagawa ng mga tao ay mali at nakakasama, hanggang sa maitama na nila ito

May mga bagay na hindi natin kayang ipaliwanag, mga misteryong walang kasagutan at nananatili paring misteryo, may mga katanungan na walang kasagutan dahil sa walang nakakaalam, mga pangyayaring hindi maipaliwanag, may mga bagay talaga na mananatiling hiwaga dahil hindi kayang maipaliwanag ng siyensiya...

Maniniwala ba kayo na hindi lang tayo ang nabubuhay sa mundong ito, may mundo pa na hindi natin nakikita, mundo ng mga kakaibang nilalang na may kakaibang kakayahan na kahit na sino ay hindi maipapaliwanag, maitatago pero hindi mapipigilan...

Isang sikreto ng nakaraan na hindi aakalain na mabubunyag dahil sa pagtungtong ko sa tamang edad, isang kakaibang nilalang na lumabas sa isang orasan at hinila ako paloob at napunta sa isang kakaibang lugar kung saan madaming kakaibang nilalang, mga anghel, demonyo, werewolf at ang namumuno sa lugar na ito ay ang mga bampira na may kakaibang kakayahan at kapangyarihan...

"Don't you dare come near me you monster" I shouted while running, isang kakaibang nilalang na tila alupihan ang katawan habang may ulo ng isang babae at dalawang kamay, may matitilus na ngipin na nagngangalit tila isang gutom na lion...

Gosh sana pala hindi na ako nag stay sa school, sana pala hindi nalang ako pumunta sa tower clock ng school sana ay wala ako dito at hindi ako tumatakbo dahil lang may gustong kumain sa akin...

Gosh I want to leave for a long time, hindi ako papayag na aabot lang sa ganito ang buhay ko, madami pa akong pangarap sa buhay kasama na ang pag kakaroon ng sariling pamilya at lalaking mag mamahal sa akin ng lubos at tapat, isang pag mamahal na kahit hindi perpekto ay tunay at walang kapalit...

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang malaking kweba, kahit madilim ay pinasok ko mabuhay lang ako at makatakas lang sa halimaw na bigla nalang akong hinila sa kakaibang lugar na ito para lang kainin at sipsipin ang dugo ko, napayapos nalang ako sa sarili dahil sa takot na baka nga makain ako ng halimaw na iyon, tahimik ko lamang na tinahak ang loob ng kweba habang kinakapa ko ang gilid ng kweba sa takot na baka madulas ako at magpagulong gulong, madulas ang kweba dahil sa tubig, pasalamat nalang ako na long sleeve ang uniform namin malas nga lang dahil maiksi ang paldang suot ko dahil ito ang uniform namin, malayo-layo narin ang natahak ko hanggang sa makita ko na nasa dulo na ako ng kweba dahil wala nang ibang daanan pa kaya napabuntong hininga na lang ako at mariing ipinag dadasal na sana ay hindi ako matunton ng halimaw na humahabol sa akin...

Bigla akong napatigil dahil may nabangga akong isang kahoy na nakaangat sa lupa, sa takot ko ay napaatras ako ng isang hakbang habang inaaninag ang bagay na nabangga ko...

Lumulutang na kabaong?

Ano bang klaseng lugar ang napuntahan ko? Bakit ang daming kakaibang nilalang akong nakikita... Muli sana akong aatras pero may naramdaman akong masamang presensiya na alam ko ay mula sa halimaw na nagdala sa akin dito, nagmadali akong nagtago malapit sa kabaong madilim naman kung kaya't hindi ako makikita dito, ang balak ko lang ay magtago pero may isang boses ng lalaki akong narinig hindi ko alam kung sa kweba o sa utak ko lang iyon narinig pero hindi nito mababago ang kaba sa aking dibdib...

"S-sino yan" I whispered

"Just open the coffin and offer your blood"

" What? No way" hasik ko pero pabulong parin takot ko lang na makita ako ng halimaw na nag hahanap sa akin

"Just do it, and I will save you"

"Bakit ba ang daming gustong uminom ng dugo ko? Mga wala ba kayong dugo?" Tila hindi makapaniwalang tanong ko pero nananatili pa rin na bulong ang boses ko

Sa dami kasi ng hihingin nila bakit yung dugo ko pa? Paano kung mabawasan ako ng dugo kaya ba nilang palitan? Hindi naman hahaba ang buhay ko kapag binigay ko sa kanila ang dugo ko...

"Do you want to leave or not?" Tanong ng masungit na boses ng lalaki, in fairness inglisero si koya... Hahahaha

"Oo naman gusto kong mabuhay... Sino bang hindi?" I asked

"Then do it"

"Fine" I blurted at sinimulan nang buksan ang kabaong hanggang sa tumambad sa akin ang isang napakagwapong nilalang na ngayon ko lang nakikita, sa dami ng lalaking magaganda ang mukha maging ang katawan ay ngayon lang ako humanga sa isang Lalaki at sa katulad pa niya...

Maputi ang balat nito, makapal na kilay at mahahabang pilik mata, matangos na ilong at maninipis pero mapula at malambot na labi na nag padagdag ng kakisigan nito, napatingin din ako sa katawan nito at halos matuyuan ako ng laway sa nakita ko, he has this perfect build body tila lagi itong nag gi-gym... A real prince from a book, a prince like pero sa palagay ko ay masungit ito, naniniwala kasi ako na mabait ang tao pag tulog...

Well the question is... Tao nga ba siya?

"Nakita din kita" halos mapatalon ako ng makita ko ang halimaw na nakatingin sa akin at kahit madilim ay nakikita ko ang ngisi nito na nagpatinding ng mga balahibo ko...

"Ahh... Hi" alinlangan kong sambit sabay kaway habang pinipilit na ngumiti kahit ang totoo ay natatakot na ako

"I am counting on you" sambit ng boses muli ng isang lalaki

"Hindi ko na alam ang gagawin" naguguluhan kong sambit habang papalit-palit ang tingin ko sa kanila

"Matagal na akong hindi nakakatikim ng isang masarap at sariwang dugo ng tao, lalo na sa isang babaylang katulad mo" sambit ng halimaw na ikinakunot ko

" A... Ako? " I said and pointed my self

Ako babaylan? Kailan pa? Ni hindi nga ako marunong manggamot tapos ako babaylan? I don't think so, nakita ko nalang na papalapit na sa akin ang halimaw dahilan para mataranta ako at dahil sa pagkataranta ko ay biglang nahiwa ang kamay ko sa gilid ng kabaong at ito ay nagdugo

"Ouch" daing ko at napangiwi sa sakit, nakita ko na tila inaamoy ng halimaw ang paligid hanggang sa huminto ang tingin nito sa akin na may mga ngisi sa labi, nakagat ko nalang ang pang ibabang labi ko dahil sa takot na bigla ako nitong sakmalin, at para lang mabuhay ako ay inilagay ko ang dumudugo kong kamay sa bibig ng lalaking nakahiga sa kabaong, una ay hindi ko nararamdaman ang labi nito na gumagalaw pero hindi nagtagal ay kumilos ito at gamit ang kanyang kamay ay idiniin ito sa kanyang bibig...

"Damn... Wag mo namang ubusin ang dugo ko" reklamo ko, bigla naman nitong binitawan ang kamay ko at nanghihinang napaupo sa sahig, napatakip nalang ako ng mata ng makitang pasugod na sa akin ang halimaw...

Ito na ba ang katapusan ko? Sana manlang ay nagawa ko ang mga gusto kong gawin, gusto ko pang mabuhay ng matagal, at magawa ang mga gusto ko, matupad manlang ang pangarap ko, makakilala manlang ng lalaking mamahalin ko, though pwede na yung lalaki sa kabaong...

Mamamatay na lang ako kalandian parin ang nasa isip ko...

Ilang minuto akong nag hintay na may sumakmal sa akin pero wala akong naramdaman, iminulat ko ang mata ko hanggang sa magtama ang mga mata namin ng lalaking kanina lang ay natutulog sa loob ng kabaong...

Nakita kong nahati na sa dalawa ang katawan ng halimaw na gusto akong kainin habang nagniningas ang mga mata nito na nag padagdag sa kanyang kakisigan...

Pero ang mata niya, tila apoy na nagliliyab at pulang pula, ang dalawang ngipin niya na nagngangalit, mahahabang pangil na may dugo pa mula sa akin...

He's looking at me like he know me, nakikita ko ang pag kagulat sa kanyang mga mata, tila kilala niya ako pero hindi ko pa siya nakikita noon pa man...

"I... Ikaw" he blurted

Who are you? I whisper while looking at him intently

Isang katanungan na sa kanya ko lang malalaman ang sagot, katanungan na hindi ko alam kung masasagot niya... Pero umaasa ako na siya ang makakatulong sa akin para makabalik sa lugar kung saan ako naninirahan...

BLOOD: The Power Of Sacred JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon