"Jhonas... Don't let her do it again, don't let her sacrifice for you, she don't deserve it and don't let the past happen again... "
~Herlioth Roche♦♦♦♦♦♦♦
"A m y"
Tanging ang gusto lamang niya ay makarating sa kanilang nais puntahan upang humingi ng tulong sa isang babaylan, subalit malupit talaga ang tadhana, sapagkat ang dalagang kanilang kasama ay napahamak...
Hindi makapaniwala si Jhonas na makita ang kanyang nakatatandang kapatid, subalit hindi niya inaasahan na sa ganitong sitwasyon at panahon, hindi sa ganitong paraan...
Sa tagal ng panahon na hindi niya nakasama ang kanyang nakatatandang kapatid, hindi siya makapaniwala na may kinikimkim parin itong galit, gayong kahit siya ay hindi makapaniwala sa nangyayari sa kanya, hindi niya nais na manira ng pamilya, at kung siya lamang ang pipili mas nanaisin niyang manatili sa isang simpleng buhay, at hindi ganito, alam niya ang lugar niya dahil hindi lingid sa kanyang kaalaman na anak lamang siya sa labas ng dating hari...
Bunga siya ng isang kasalanan, kasalanan na hanggang ngayon ay pinagbabayaran niya, isang kasalanan na hanggang ngayon ay pinahihirapan siya at isang kasalanang mananatili sa kanyang pag katao...
Kasalanan din naman niya kung bakit nag kakaganito ang lalaking kanyang katunggali, hanggang ngayon ay sinisisi niya ang sarili sa pag kamatay ng dating hari at reyna, subalit hindi naman niya iyon ginusto at kahit kailan hindi niya iyon gugustuhin...
He thinks that he dont worth the sacrifices of those people around him, isa sa kahinaan niya ay ang mabuhay dahil sa pag sasakripisyo ng ibang tao para sa kanya... He dont deserve it and most of all he dont want someone in his side, but this woman lying on his arm is the exemption...
He heard how Summer shout with pain, nakikipag laban siya sa kanyang kapatid ng marinig niyang sumigaw ang dalaga, when he turned around to check her, ay halos hindi siya makakilos ng maayos, ang makita ang babaeng dayo na tila nahihirapan at nasasaktan ay hindi kinaya ng isip niya maging ng kanyang kalooban
Dahil sa napunta kay Summer ang kanyang atensiyon ay hindi niya inasahan ang pag sugod ng kanyang nakatatandang kapatid, nakita nalang niya ang sariling tumalsik sa mga puno, sa lakas ng impact ay nasira ang mga punong natatamaan niya, masakit ang kanyang katawan subalit hindi iyon ang mas inaalala niya...
Summer is in great danger at nag aalala siya sa dalaga, hindi niya maintindihan ang sarili sa pag aalala sa isang dayo na kamukha ng kanyang dating kasintahan, subalit unti-unti na niyang nakikita ang kaibahan ni Alice at Summer, Oo nga at mag kamukha sila subalit mag kaiba sila ng ugali at paniniwala...
Pinilit niyang tumayo kahit pa masakit ang kanyang katawan, ang tanging isinisigaw ng kanyang puso ay ang kaligtasan ng dalaga, sa halip na harapin ang kanyang katunggali at gumanti ay mas pinili niyang puntahan ang dalagang nag hihirap sa hindi malamang dahilan, ng malapit na siya ay napatigil siya at napapikit dahil sa liwanag na nag mula kay Summer, habang ang hangin ay lalong lumakas kasabay ng mga nag sasayawang puno at halaman na sa lakas ng hangin ay mababali na, nang mawala ang liwanag ay agad niyang binuksan ang mata, mabilis siyang tumakbo papunta sa dalaga at sinalo ito...
He embrace her like he dont want to lose the woman, hes scared to feel the pain and bitternes, his afraid to see someone in pain, and he cant do anything about it...
"That woman, who is she to you?" tanong ng kanyang nakatatandang kapatid na nakatayo sa hindi kalayuan sa kanilang pwesto, tahimik lamang si Jhonas at ang kanyang atensiyon ay nasa dalaga lamang
BINABASA MO ANG
BLOOD: The Power Of Sacred Jewel
Wampiry"Our love is forbidden and will never exist from this supernatural world! we came from a different clan with different rules and beliefs but our love is clear as crystal"