"Jhonas what are you doing to me... I am burning in your flame and there is no water that can protect me from your flame... I am burning at hinayaan ko iyon, kaya kahit masakit, kahit mahapdi hinayaan kong masunog ako, kasabay nito ay ang init mo na pumoprotekta sa akin..."
♦♦♦♦♦♦
"B u r n i n g"
Long way for success...
Mga salitang matagal ko nang pinaniniwalaan, dahil totoo naman, ang pag asenso ay hindi basta-basta, matagal pero kung pag hihirapan sigurado ang asenso, at ganoon din sa pag lalakbay, mas matagal mas mataas ang asenso hindi sa buhay kung hindi ay para sa lahat...
Masaya ako... Masasabi kong masaya ako dahil kahit sa mundong ito ay may matatawag na akong pamilya, yung tipong kasama mo sa lungkot, sa ligaya, at madalas na may kaangilan, Isa itong masayang nangyari sa buhay ko, walang plastic at epal... Halimaw meron
Hahahahaha kidding aside...
Naghihintay lamang ako sa labas ng karwaheng hinanda ng dalawang Prinsipe upang makabalik kami sa kanilang palasyo, ang maikling bakasyon (bakasyon nga ba lol) ay sobrang nakakabitin...
"Sum... Can you go with me?" Yna asked
"Where?"
"I- I want to visit my family... I m-miss them" malungkot na sambit ni Yna, tipid naman akong ngumiti at bahagyang tumango
"Of course... Nangako ako hindi ba?"
Masaya naman itong tumango sabay hila sa akin papasok ng kakahuyan, natatawa naman akong nag pahila sa kanya, kung ano mang nararamdaman niya ay nararamdaman ko din lalo pa at lumaki akong walang magulang at walang pamilya, hindi niya gaya na lumaki siyang may kinikilalang magulang at pamilya pero hindi tulad ko ay namatay sila sa harap mismo ni Yna, bagay na hindi niya makakalimutan...
Alam ko na mahalaga sa ating mga kabataan ang ating magulang, sila ang dahilan kung bakit tayo nabuhay sa mundo, aminin man natin sa hindi, we're not going to live without our parents, our families, at kahit gaano pa kasama ang magulang natin ay wala tayong karapatan na mag tanim ng galit sa kanila ito ang laging tandaan natin...
(A/N: wisdom word of the day lol)
Hindi ko na namalayan kung gaano na kami katagal na nag lalakad, nakita ko nalang ang isang malawak na damong Bermuda kung saan may mga umbok na lupa at bawat umbok ay may krus na nakalagay na gawa sa pinagtaling sanga ng puno ang naiiba lang ay ang laki, subalit nasa lima lamang, ang isa ay tila libingan ng isang bata, ito ang nakakuha ng atensiyon ko...
"Hi..." Biglang sambit ni Yna sa libingan na tila buhay ang kausap "ito nga pala si Ate Summer... Sum, this is my younger brother Allen.... Allen, Ang ganda niya diba... Siya lang ang kaibigan ko na tumanggap sa akin, alam mo ba sobrang tapang niya at iyon ang hinahangaan ko sa kanya, may mabuti rin siyang kalooban... S- siguro kung buhay ka pa... Magiging close kayo, kasi d-diba gusto mo sa mga babaeng maganda ang loob at pang labas na anyo, ito na siya... May nadala na ako, and I'm proud to say that I gain a good friendship" naiiyak na sambit ni Yna, saglit ko siyang tiningnan sabay balik ng tingin sa kabaong mg kanyang kapatid
"Hi... Ahmm... Alam ko na kung nasaan ka man masaya ka na, masaya na din ate Yna mo, dapat proud ka sa kanya, yun nga lang pakisabi sa kanya na wag siyang masyadong pa mysterious, nakakatakot minsan ehh.." natatawang komento ko narinig ko naman ang mahinang pag tawa ni Yna "pero ang Ate Yna mo lang din ang masasabi kong pinaka matapang sa lahat... Bakit?" I said and look above the cloudy sky "dahil kaya niyang kalabanin ang dalawang maharlikang Prinsipe... Matapang siya dahil nakayanan niyang ngumiti kahit alam niyang may kulang, ngumingiti siya kahit na ang totoo ay nalulungkot siya dahil miss na niya kayo... Matapang siya dahil naitago niya ang nararamdaman niyang lungkot sa lahat..." I said and look at Yna with a smile in my face
BINABASA MO ANG
BLOOD: The Power Of Sacred Jewel
Vampiros"Our love is forbidden and will never exist from this supernatural world! we came from a different clan with different rules and beliefs but our love is clear as crystal"