BLOOD 6 "The Moon Light"

3 0 0
                                    

I hope so... I'm tired of being alone, I'm tired of the judgement they're throwing to me and I'm tired of being hurt by someone... I hope this time someone is in my back that will support and protect me because they wanted not because they were forced to do it...
~ Summer De Guzman

♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦
"T h e M o o n L i g h t"

May mga bagay talaga na basta nalang nangyayari, inasahan mo man o hindi, akala ko hanggang sa palasyo lang ang problema ko pero tila mas naging komplikado pa ng biglang sumulpot ang isang bampirang may kakayahang manipulahin ang yelo...

Ano ba ang dapat na maging reaksiyon natin kapag may taong bigla na lang tayong hihilahin kung saan? Hindi ba at matakot, sumigaw ng tulong o kaya ay mag wala... But in my case, Hindi ko magawa...

Hindi ko magawa dahil hanggang ngayon nanghihina ako, dahil hanggang ngayon ay kumikirot ang dibdib ko, hanggang ngayon nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan...

Bakit?

Bakit ganito na lang ang nagiging reaksiyon ng puso ko sa kanya?

Bakit nasasaktan ako sa kadahilanang hindi ako si Alice?

Bakit hinahayaan kong basta nalang akong mag pahila sa hindi ko naman kilala, and worst isang bampirang sinubukan akong saktan...

Hindi ba dapat ay sumigaw ako, magalit at magwala, tumakas at humingi ng tulong, pero bakit tila gusto ko ito ngayon, I want someone's comfort...

Pero para saan?

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at tinapik ang lalaking nag baba sa akin, tumigil naman ito at maingat akong ibinaba, lumayo ako dito ng ilang hakbang habang nakatungo, tahimik lamang ang paligid hanggang sa maramdaman ko nalang ang pag hakbang nito dahilan para mapatingin ako sa kanya, pero hindi pa ako nakakatagal sa pagtingin sa kanya ay muli akong napaiwas at ipinilig pa kanan ang ulo ko...

I saw the moon's color tila mag kasamang puti at lila, subalit hindi ito naging hadlang para gumanda ang kalangitan, mabagal lamang ang lakad ko papalapit sa buwan na tila maabot ko sa laki, pero nagulat nalang ako ng may biglang humawak sa aking bewang dahilan para mapalingon ako sa bampirang nag dala sa akin sa lugar na ito...

"Careful" malamig na sambit nito sabay tingin sa baba, napalunok naman ako nang makita ko kung gaano kataas ang aming kinatatayuan, nakita ko pa ang pagkahulog ng isang maliit na bato na natamaan ko, I closed my eyes and calm my self, hinila naman ako kaagad nito palayo sa dulo ng bangin dahil sa panginginig ng tuhod ko ay napahawak ako sa braso nitong nakayakap sa aking bewang...

*Sigh*

"Scared of heights- hindi nga ikaw siya" sambit nito dahilan para mapatingin ako sa kanya...

Halos matulala ako sa kanyang itsura, tila lumiliwanag ang itim nitong mata dahil sa liwanag ng buwan na nagsisilbing ilaw sa amin... Just like that Arrogant Vampire he is also handsome but he has this black cold eye's that will gives you chill, he also has a thick eyelashes and eyebrows, maninipis at mapulang labi na akala mo ay nilagyan ng lipstick, hindi katulad ng Aroganteng bampira ay mas maputi siya at kulay abo ang buhok nito...

"Starring is bad" komento nito dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kanya at nang maalala ko na nakahawak pa kami sa isa't-isa ay ako na ang kusang humiwalay sa kanya dahil sa hiya...

At sa pangalawang pag kakataon ay napabuntong hininga akong muli, problema ko na nga kung paano ako makakalabas sa lugar na ito, po-problemahin ko pa ang mga bampirang nakatira dito, una ay ang Aroganteng Bampirang iyon na nagiging dahilan ng abnormal na pagtibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan, sumunod ay ang bampirang ito na tinawag din akong Alice at hinayaan kong hilahin palayo sa palasyong iyon, siguro ay ginusto ko din, nagpapasalamat nga ako at nag kusa na siyang ilayo ako sa lugar na iyon dahil konti nalang ay matutumba ako dahil sa panghihina, hanggang ngayon hindi ko malaman ang dahilan kung paano ako napunta sa lugar na ito, isama pa ang mga nilalang na nakasalamuha at makakasalamuha ko palang...

BLOOD: The Power Of Sacred JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon