"Alice the woman they loved, ang babaylang minamahal ng lahat ang babaylang iniibig ng batang Salvador at lihim namang minamahal ng isang Herlioth Roche"
~ Unknown
♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦"T h e S a c r e d D i a m o n d"
Hindi ko maexplain kung ano nga ba ang nararamdaman ko, sa bawat pag ihip ng malamig na hangin at ang mga mata niyang nag bibigay sa akin ng kasiguraduhang kaya niya akong protektahan, at sa bawat mabilis na pag tibok ng puso ko na nag bibigay lakas sa akin, at nag dadala ng kapayapaan sa aking isipan...
Tila bumagal ang lahat at tanging nakikita ko lamang ay ang mga mata ni AV na unti-unting nagiging pula, ang kaseryosohan ng kanyang mukha maging ang pag galaw ng kanyang buhok dahil sa malakas na pag ihip ng hangin...
Naramdaman ko nalang ang pag pisil niya sa kamay ko na kanyang hawak, lihim naman na nag bunyagi ang puso ko dahil sa kuryenteng naramdaman ko...
Wala akong ibang masabi, pilitin ko mang mag salita ay tila naputulan ako ng dila tanging buntong hininga lang ang nagagawa ko, pero halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang pag talsik ni AV
"AV" I shouted worriedly
"Arghh" narining kong daing ni AV, bababa na sana ako nang may tila malamig na hangin ang dumaan sa gilid ko, dahilan para mapayapos ako sa kabayong sinasakyan ko
"S- sino ka?" Kinakabahan kong tanong pero wala akong narinig na nag salita
Hindi man ito mag salita alam ko na nasa malapit lang siya at hinahanda ang sarili sa maaring mangyari at natatakot ako... Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon, gayong ang gusto ko lamang ay makauwi ng maayos na walang sagabal, walang ganito, bakit? Bakit ngayon pa sa kabilugan ng buwan sa madilim na kagubatan na tanging liwanag ng malaking buwan ang nag sisilbi naming tanglaw...
"Don't worry about him... Just think about yourself " sambit ng isang baritonong boses na hindi ko malaman kung saan nanggaling, naramdaman ko muli ang malamig na hangin sa likudan ko patungo sa aking gilid na tila tumatakbo ito paikot sa akin, hindi din nag tagal ay nag pakita ito sa mismong harapan ng kabayong sinasakyan ko dahilan para magulat ang kabayo, dahilan ng pag wawala nito at pag kahulog ko sa lupa
"Aishh" impit na daing ko habang nakapikit ang isang mata ko at nakatukod ang dalawa kong kamay sa sahig, nagulat nalang ako na tumakbo ang kabayo tangay ang pag kain at mga kagamitan namin
"What an innocent lady" sambit muli ng lalaki na ngayon ay nasa harapan ko at nakatayo, hindi ko makita ang kabuuan ng kanyang mukha pero base sa boses at tikas nito ay hindi nalalayo ang kanyang edad kay AV at Herlioth
"Si- Sino ka?"
"The person you don't want to meet" sambit nito kasabay ng pag ngisi, hindi ko halos makita ang kanyang mukha dahil sa nakaharang siya sa liwanag ng buwan
Ang malaking buwan na may maliwang na ilaw na minsan masakit sa mata subalit dala ay tanglaw sa kadiliman na minsan dahilan para makatago ang mga nilalang sa kadiliman na bumibiktima ng alam nilang kakayanin at malalabanan...
"Leave her alone" singhal ni AV kasabay ng mabilis na pag galaw ng hangin mula sa aking likod papunta sa aking harapan, nakita ko na lang na tumalsik ang lalaki palayo dahil sa malakas na suntok ni AV sa bilis niyang kumilos ay hindi ito napansin ng kalaban
"You alright?" He asked worriedly while looking at me bahagya naman akong tumango bilang sagot kahit pa ang totoo ay masakit ang balakang ko sa taas ng pinagbagsakan ko
BINABASA MO ANG
BLOOD: The Power Of Sacred Jewel
Vampir"Our love is forbidden and will never exist from this supernatural world! we came from a different clan with different rules and beliefs but our love is clear as crystal"