Patawad Kung Nasanay Ako

612 10 0
                                    

Sapilitan kong lilisanin ang kahapon
Huling kumpas habilin sa pag-ibig nating naglaon
Patawad sakaling tatalikdan na ang pamagat
Tila'y naglaho ang alamat, ikinubli ng mga sugat

Espada ang bawat kupas ng orasan
Walang bakas ang naaninag sa aking dalatan
Paalam, hikbi ng nagkumpulang mga rosas
Itim, lanta at wala ng buhay nang aking napitas

Nasanay ang aking bisig sa yakap
ng ginaw
Inulila ako ng saya'ng hinagilap ay ikaw
Patawad kung nasanay akong wala ka
Patawad kung nasanay akong nag-iisa...

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon