Nandito ako
Nakatayo, nakatingin
Sa mga bituin na itinuro mo sakin
Mga bituin na nagbigay tuwa satinNgunit ako'y nabahala
Dahil pagtingin ko sa aking likuran
Ay may kulog at kidlat
Na tila ba nais akong saktanTiningnan ko ang aking lugar
Kung ako ba ay nasa tama
Ngunit ako'y nahinto
Dahil ako'y nasa gitnaGitna ng Ulan at Bituin
Gitna ng saya at kalungkutan
Tama pa ba?
Na tingnan ko ang aking likuran?
O hayaan ko nalang na akoy matuwa
Sa aking nasa harapanNgunit aking napansin
Na unti-unti na rin,
Unti-unting nawawala ang bituin,
Unti-unting nawawala ang kasiyahan,
Na tinuro mo sakinKaya aking napagtanto
Na baka tinuro mo lang sakin ang mga bituin
Upang akoy sumaya panandalian
Ngayon ko lang din nalaman,
Na ako na lang pala ang naiwan
Sa lugar kung san mo tinuro ang kasiyahan
Salamat ngunit kailangan ko na ring iwan
Ang lugar kung san mo ko iniwanDahil ayoko ng maabutan pa
Ang bagyo na nasa aking likuran
Na nais akong saktan dahil wala ka na,
Dahil iniwan mo na akong mag-isa.