Pag Iwas ng Walang Dahilan

323 1 0
                                    

Titigan ng mabuti
Huwag magbakasali
Sa huling pagkakataon
Huminga ng malalim
At ang nararamdaman ay aminin

Bago humakbang
Maghintay ng ilang segundo
Ang bawat hininga'y dapat bilang
Huwag magpapadala sa kaba ng puso

Balikan ang nakaraan
Sa inyong unang pagkakakilanlan
Dumating na sa puntong naging magkaibigan
Pero bakit tumalima ang nararamdaman?

Hindi na kinaya ang nais nitong dibdib
Ilang beses narin isinawalang-bahala
Ngunit hinahabol parin hanggang sa panaginip
Hindi nagbabago kahit na ang daan ay lumihis
Hindi maipapangako na may maipapalit

Kaya sa muling paglapit sa isa't isa
Babalikan ko lahat ng aking nadarama
Sapagkat una kitang nakilala
May lumabas na kakaibang 6
kislap sa aking mata

Isipin ng mabuti ang nais sabihin
Huwag matatakot at malinis na sambitin
Banggitin ang naririto sa saloobin
Huwag kakabahan kung hindi papalarin

Ngunit sa paglapit may konting kabang naramdaman
Ang tuhod ay humapdi,ang nakaraan ay muling nabalikan
Naalalang muli ang sinabi mong iba ang nais mo,kaibigan

Kaya tumitig ng mabuti
Huwag magbakasakali
Sa huling pagkakataon
Ang nararamdaman ay huwag nang aminin
Lumihis ka nalang ng daan
Umiwas kung kinakailangan
Ng walang sinasabing dahilan.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon