Iniwan,sinaktan,niloko,pinaglaruan
Asan ka jan?
Lahat ng bagay may punot dulo
Ngunit bat mo ilalagay sa dulo
Kung maari mong simulan ulit ito?
Iniwan , iniwan kang biglaan
At di mo mapaliwanag kung saan ka nagkulang
Sinaktan, di man pisikal
Ngunit sa kalamnan ay tagus tagusan
At apektado ang buong katawan
Niloko,.pinaniwala ka sa mga pangakong ,may biro naman pala
Sa dulo
Pinaglaruan, di ka naman laruan
Ngunit pagkatapos kang pag sawaan ay bigla bigla ka nalang iniwan
Dahil wala kanang pakinabang
Saan ka jan?
O baka ikaw ang gumawa niyan?
Anong pakiramdam?
Nakatulong ba para sa iyong kinabukasan???
O tila ba masaya ka na nagdurusa ang taong walang kinalaman sa iyong nakaraan???
Mga tanong na namumutawi sa kaisipan
Ngunit ang sagot ay di padin sapat
At tila ba ang kaisipan nila'y naiiwan ng kanilang edad.
Ngunit isa lang ang nararapat
Wag kang gaganti sa taong
Walang alam sa iyong nakaraaan.
