Ikaw Parin Pala

419 6 3
                                    

"Ikaw parin pala"

Akala ko tapos na akong mahalin ka
Akala ko napagod na akong magmahal pa
Pero hindi ko alam kung bakit ganito
Nagsibalikan ang dating saki'y epekto mo
Hindi ko alam pero napapaluha uli ako
Naalala ko kung gaano ako katanga sayo

Akala ko nga hindi na ako tanga
Ako'y nagpahinga lang pala
Tapos lumaban uli kasi may pinanghahawakan
Yun ay ang mahal ka hanggang sukdulan
Nakakaiyak lang kasi ikaw may mahal ng iba
Habang ako ito naghihintay pa

Ikaw parin pala akala ko tapos na
Ikaw parin pala kaya nakalimutan kong sumaya
At habang may mahal ka pang iba
Andito ako nag-hihintay't sayo parang tanga
Nakalimutan ko kasing umabante
Kaya hanggang ngayon hindi ko alam pano kumampante

Gusto kong sabihin sayo na mahal pa kita
Kaso ayokong kunin kaligayahan mo
Na Ikaw parin yung gusto kong makasama
Kaso ayokong maging sagabal sa kaligayahan mo
Gusto kong yakapin ka
At sabihing akin ka nalang kasi ulit

Ako naman yung nagmamahal sayo ng sobra
Tipong ginawa kitang mundo
Kahit alam kong hindi yun tama
Kasi maling mali yun para sa tulad ko
Napakadelikado na kayang bumuhos ng luha ko
Sa kunting pambabalewala mo.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon