I.S.A

353 7 0
                                    


(Ikaw,Siya,Ako)

Bakit kung kailan ka nakapasok
Sa puso mo nama'y may biglang kumatok
Kaya puso mo'y nagsimula ng tumibok
Simula na ba ito ng aking pagsubok?

Pati sila pilit na kayong tinutulak
Kaya sa pagitan natin ay nagkaroon ng bitak
Mga luhang unti-unting pumapatak
Parte sa puso ko kasamang nawawasak

Alam mo kung ano pa ang nakakatawa?
Nakuha kitang itulak sa kanya
Magkalapit kayong dalawa
at mapalayo tayo sa isa't isa

Kasi akala ko nung sa pagbukas ng palad mo
Handa ka ng hawakan ang mga kamay ko
Kasi handa na kong ipagkatiwala ang puso ko sa'yo
Pero bigla mo nalang itong isinarado

Kasalanan ko bang hindi ko agad inamin?
Akala ko kasi ayos lang kahit di ko na sabihin
Akala ko sapat na ang ginawa ko para maramdaman mo na rin
Dahil baka pareho na ang nararamdaman natin

Sa akin ba dapat ibaling ang sisi
Kasi hindi ako nagmadali
Dahil ako ang nagkamali
at ako ang nahuli?

Kulang pa ba?
Kasi kung kulang pupunan ko pa!
Kaya ko naman e basta maging okay tayong dalawa
At mawala ang distansya

Kasi ngayon ang dami kong "Sana"
Sana tayo nalang dalawa
Sana ako ang dahilan kung bakit ka masaya
Sana tayo ang tinutukso nila

Sana inamin ko na nung wala pa siya
Sana ako nalang at hindi siya
Pero wala naman akong karapatan diba?
Kasi hindi Ako,Siya.

Pero ayoko pa ring paniwalaan
at patuloy ko pa ding pinangahahawakan
Dahil baka yung sa inyo ay isa lamang tuksuhan
At hindi totohanan

Pero masakit pa din kasi kayo ang tinutukso
Pero ang sinisigaw ng puso ko
"Tama na,nasasaktan na ako!"
Pero paano,mag-isa lang ako.

Pilit akong nagbubulag-bulagan
Para hindi masaksihan
Mabasa lahat ng sagutan
Na kanilang sinusuportahan

Ayokong marinig
Ang anumang pantig
Ng mga salitang mula sa kanilang bibig
Na nagsasabing may namumuo ng pag-ibig

Mamanhid ang buong katawan
Para hindi maramdaman
Yung sakit at kalungkutan
Ang pakiramdam ng maiwan

Hindi makapagsalita
Para di masabi ang mga titik at letra
Na sobrang sakit na
Dahil alam nating meron ng "Siya"

Siya na dating Ako
Siya na inspirasyon mo
Siya na nagpapangiti sa'yo
Pero paano naman ako,saan ang lugar ko?

Natuturuan ba ang puso?
Kasi kung Oo,
Hindi ikaw ang pipiliin ko
Dahil ang sakit mahalin ng tulad mo.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon