Bibilang ako mula isa hanggang sampu:
Sampung dahilan kung bakit siya lumaban,
Sampung dahilan kung paano siya sinaktan,
Sampung hakbang kung saan siya iniwan.
Anong hiniling niya sa mga tala sa kalawakan
matapos mong lumisan?Magsisimula ako sa ISA. Isang taon na pagmamahalan,
Ngayon ay nasa pagitan na ng susuko o lalaban,
Wala siyang magawa kundi mahirapan at masaktan,
Habang ikaw sa iba’y masayang nakikipag kwentuhan.DALAWA. Dalawang salitang pinanghahawakan. “Mahal Kita”
Nangako ka sakanyang walang iwanan,
Ngunit teka, parang ang mga pangako sa kamay ay iyo ng binibitawan?
Biglang nahinto panandalian, hindi alam kung tutuloy pa ba
sa pinangakong walang hangganan.TATLO. Tatlong kahilingan niyang ibinulong sa mga tala,
Ang gusto niya lang naman ay maging masaya
Ngunit hindi mo maiaalis sakanya ang mga tamang hinala
Simula ng gabing nakita ka niyang may kasamang iba.APAT. Apat na unan na sa gabi ay kanyang kapiling
Dahil wala ka na sa tabi na kanyang hinihiling,
At unti-unti ka na ding lumalabo sa paningin
Dahil alam niyang sa iba’y lumilinaw na ang iyong paningin.LIMA. Limang oras na siyang naghihintay sa tawag mo,
Umaasang kahit sa linya ay maririnig niya ang boses mo,
Habang limot mo siya at mahimbing ka ng natutulog.
Doon niya lang napagtanto,
Na ang pag-ibig niyo ay tuluyan ng nagbabago.ANIM. Anim na paghakbang papalapit sayo,
Pinipilit niya paring isipin na hindi nasasaktan ang puso.
Bakit parang nawalan na ng kahulugan ang salitang ‘tayo’?
At tila unti unti na itong napapalitan ng kuwento niyo.Pang- PITO. Palapit na tayo ng palapit sa dulo,
Pareho tayong nakatago at tila naglalaro,
Hanggang sa patuloy ka na ngang naglalaho,
Ang mga bagay ay unti-unting nagiging klaro,
Mukhang alam ko na kung saan ito patungo.WALO. Walong sugat na at lumalalim pa.
Ilang gamot ba? O baka maaaring luha lang
ang solusyon ng ito ay mawala.
Minahal kita pero baka malaro ka lang talaga,
Baka gusto mo pa? Baka pwede pa?
Baka maibabalik pa? Pero eto na tayo;SIYAM. Siyam na bulalakaw pa ba ang
kailangang hilingan para ‘di mo ako iwan?
Mukhang hindi na kailangan dahil may iba ka ng katinginan.
Aantayin nalang maging sampu at eto na nga,
Eto na talaga, eto na nga ang huli--Pang-SAMPU. Mukhang kailangan ko ng humakbang ng sampu.
Palayo kung saan mo ako iniwan,
Palayo sa ala-ala at sakit ng ating pinagsamahan,
Palayo sa katotohanang naiwan akong nahihirapan.Sa pagbilang ko mula isa hanggang sampu,
Nalaman ko na hindi lahat ay totoo,
Kaya lumisan ako sa ating huling yugto
Kahit mag-isa at ang mata ay pugto.Inaral ko ang baybayin,
Sinaulo, at ngayon ay bibigkasin ng galing sa puso.
Sisimulan ko sa huling titik ng katinigYA-Yaman. Ang pag-ibig ang pinakamahalagang kayamanang
hindi matutumbasan ng mga ginto sa minahan.WA-Walang batayan. Ang pag-ibig ay
para sa kahit na sino man.TA-Tayo. Ikaw at ako, ang mga puso natin
ay maaaring maging konektado.SA-Sakit. Kakambal ng kaligayahan ang kalungkutan,
Lahat ay nagbabago at walang kasiguraduhan.PA-Patawad. Ito ang salitang maririnig
matapos ang sakit na dulot ng pag-ibig.At matapos ang pait dahil pinagpalit, eto na ang
NGA-Ngayon. Ang sugat ay unti-unti ng humihilom,
walang ibang tamang panahon kundi ang bumangon ngayon.Pero… NA-Nasa saakin. Ano nga ba ang pag-ibig para satin?
Nasa pantasya o realidad pa ba ang tingin?Hanggang sa ako’y pumikit at nag isip.
MA-Maling konsepto. Ang pag-ibig ay hindi lang tungkol sa kilig,
Hindi lang ito tungkol sa pag slow-mo ng paligid
kapag sakanya ay nakatitig.
May mas malalim pa itong ibig na sabihin.Pumikit ako ulit. LA-Lakad. Pagmulat ko ay
kasabay ko ang aking pamilya at mga kaibigan sa lakad.
Unti-unti, ako’y naliliwanagan.
HA-Haplos. Naramdaman ko ang pag-ibig na hindi namamatay,
Wari ko’y matagal na siya saaking naghihintayGA-Gabi, umaga, tanghali, hindi siya umaalis sa aking tabi.
DA-Dapat ko ng bumalik sakanya na dati kong isinasantabi.
KA-Karamay, natagpuan ko ang pag-ibig na walang kapantay.
Dahil BA-Bago pa tayo magkaron ng buhay sa mundo,
Bago pa masaktan ang ating mga puso,
Bago pa tay magkaroon ng bisyo
Eto na ang nauuna at hindi nawawala, ang patinig:(O/U) O-Oras na para U-Unawain ang kanyang mga salita,
wala ng uunahin pang iba;
(E/I) E-Emosyon ay kontrolado, siya ang gagawing sentro.
I-Isasantabi ang pagiging problemado,
Lahat tayo ay parte ng kanyang mga plano.A-Alam ko na, natagpuan ko na ang pag-ibig sakanya
Naramdaman ko na ang walang papantay na ligaya.
Nalaman ko na katulad ng “A” sa baybayin
Si Lord and dapat nating unahin,
Mula umpisa hanggang huli, pag-ibig lang ang pairalin.Tara na at magbilang mula isa hanggang sampu,
Aralin natin ang baybayin.