Isang buwan na ang nakakalipas
Pagmamahal sayo'y onti-onti ng kumukupas
Kwento natin ay dito na nagwawakas
Patawad sa sakit at poot na sayo'y pinaranas
Ikaw ay aking nasaktan kaya't ako'y humihingi ng kapatawaran
Napagod, nagsawa at hindi na ulit lumaban
Tadhana'y hindi sang-ayon sa ating pagmamahalan
Patawad kung ikaw ay aking iniwan
Huli na nong ikaw ay nagbago
Pagmamahal sayo ay naglaho
Kaya't ang puso mo ngayon ay nagdurugo
Patawad sa mga pangako kong napako
Hiling ko'y ikaw ay sumaya
Hindi umiyak sa babaing sakit lang ang dala
Ngiti sa labi ang nais kong makita hindi luha na dumadaloy sa mapupungay mong mga mata
Patawad kung sakin ka napunta
Kung sakaling tayo man ay magkita
Pwede bang payakap na parang wala ng bukas pa
Halik at yakap gusto ko ng madama dahil sayo ang tagal kong nangulila
Patawad kaya rin siguro ako sumuko agad dahil sa sitwasyon nating dalawa
Salamat sa saya at pagmamahal na iyong ipinadama
Hinding hindi ko iyon makakalimotan aking sinta
Dahil naging parte ka ng nakaraan ko na puno ng saya
Patawad mahal kung muli kang mag-iisa
Patawad kung iniwan kitang mag-isa
Patawad kung napagod ako't nagsawa
Patawad kung tinapos ko ang relasyon nating dalawa
Patawad ayoko na
