Nangako ka na kahit mapunta ka sa malayo
Ang kung anong meron tayo'y hindi magbabago
Ikaw pa nga ang nagsabing "sana walang magbago"
Pero bakit nakakapanibago?
Bakit nanlamig ka nalang bigla?
Bakit kapag kausap moko'y hindi kana masaya?May mali ba akong nagawa?
Sa pagkakaalam ko kasi'y wala
Naninibago na ako sayo
Nanlamig kana ng husto
Mahal, bakit hindi mo iyan isatinig?
Nang sa gayon ay aking madinig?Nag-iba ka na, na siyang hindi ko inaakala
Nag-iba ka't ang mga sinabi mo'y parang bula
Ikaw ang nagsabing wala dapat mabago
Pero ikaw itong unang nagbabago
Nag-iba ka pero wala akong balak bitawan ka
Nag-iba ka pero iintindihin parin kitaSiguro nga magkaiba na tayo ng oras
Pero wag naman sana magbago ka ng wagas
Na kasabay ng pag-iba ng ating oras
Ang siyang ating pagwawakas
Mahal nangako kang hindi moko iiwan
Kaya sana samahan mokong lumabanKakapit ako sa ngayon
Ayokong magbigay ng padalos-dalos na desisyon
Mahal, pahalagahan mo naman ako
Habang naandyan pa ako para sayo
Tao lang ako napapagod pag nasasaktan ng husto.