Best Friend

615 13 0
                                    


Love is SHIT(A/N:fucking shit hahaha)

Masakit na Masaya
Nasasaktan kana pero natutuwa ka pa
Yung kinikilig ka pag kasama mo siya
Pero ikaw lang ang nakakadama ng sobrang saya

Bakit pa kasi nauso yang BESTFRIEND na yan?
Di ba pwedeng I level up natin yan?
Yung kilig at saya na tayo ang nakakadama
Di yung ako lang na  parang tanga na nag iimagine na tayo na.

Natatawa na lang ako sa sarili ko
Habang sinasabi ko ito ngayon sa inyo
Alam mo yung nangangarap ng gising?
Ako yun, yung parang na papraning

Bwiset naman kasi sa dami pa ng pwedeng tamaan
Ako pa! At ang malala dun pa sa isang kaibigan
Nakakailang sablay ka na ba sakin kupido?
Walangya pag nakita kita ako na papana sayo.

Pero alam niyo kung ano ang mas masakit at mahirap?
Yung itapat mo yung nararamdaman mo sa kanyang harap.
Tuwang tuwa ka habang sinasabi mo yung salitang MAHAL KITA
Yun pala para kang tanga na nagsasalita mag isa.

Masakit pa dun nagseselos ng patago
Kasi nakaharang palagi yung salitang WALANG TAYO
kunwating tumatawa, ngumingiti
Yun pala dinadama na yung sakit at pighati

Alam mo yung Tuwang tuwa kana
Kasi pag magkasama kayong dalawa akala mo kayo na.
Tuwang tuwa ka at kinikilig pa Sabay niyang sasabihin
Alam mo "You're my one and only BESTFRIEND"

Pero salamat pa din kupido
Kasi dahil sayo natutunan ko na hindi lahat ng tira mo asintado
Kaya sa susunod na mapana mo ko
Bala na babalik sayo
Pambawi sa puso kong ilang beses na pinagpractisan mo.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon