Tulala sa hangin
Kagat labi gamit ang ngipin
Pigil aking hininga
Upang hikbi di kumawala
Saan man tumingin
Anino nya'y nakikita
Mata'y di maigalaw
Hangga't sa pagpatay ng ilaw
Sa pagpikit ng aking mata
Iyong ngiti ang nakita
Aking luha'y tumulo
Kasabay ng aking mundo'y pagguho
Puso'y nanghihina
Lalamuna'y namamaga
Katawa'y parilasa
Kasabay nito'y aking pagkabalisa
Ako'y naglalakad sa buwan
Nang mga salita'y magtagpuan
Napatingin ako sa kalawakan
Nagsilabasan ang iba't ibang larawan
Ngumiti ng mapait
Bakit ganto ang sinapit
Nakarating sa tulay
Dugo'y nananalantay
Tubig sa ilalim ay kaakit akit
Inuutusan akong pilit
Ito na ang huling hirit
Bago aking mata'y pumikit
