Parang lilim ng nyebe
Na hindi pa kumpletong tunaw
Patuloy pa ring namumuhay
Kasama ang aking nararamdaman
Lahat ng meron ka'y nawala
At ngayo'y walang katapusang gumagala
Kasama ko
Ni hindi man lang nakapagpaalam sayo
Parang sumpa na di masira
Kailan ka mawawala
Patuloy pa ring pinanghahawakan
Na tayo'y maglalakbay sa kalawakan
Malamig na luhang tumutulo
Tumigil sa ilalim ng langit
Dalawang taong nagmamahalan
At ang isa nga'y namaalam
Punong puno ng emosyon
Hindi na alam ang gagawing aksyon
Masaya ka na sa langit
Habang nararamdaman ko'y puno ng pait
Kita ko parin ang ngiting napakaliwanag
Na kahit sa dilim nagliliwanag
Ako'y naghihintay ng paliwanag
Ngunit di mo na pala masasagot ang tawag
Bakit mo pa ako niyakap
Masyado pa namang masarap
Kay higpit ng iyong kapit
Iyon pala'y iyong huling hirit
Tumatakbo sa kuweba ng kadiliman
Kita ng dalawang mata ko'y
Nagaantay ka sa dulo ng hangganan
Bakit mo ako pinagkaitan
Sana'y di na lang kita nakilala
Sana'y mabura na lahat ng alaala
Dahil sa tuwing naiisip kita
Ako'y naluluha
