Mga Salitang Hindi Masabi

461 7 0
                                    

Mga salitang hindi masabi,
Isusulat na lang sa may tabi
At hinding-hindi malilimutang,
Sa sarili sambitin,

Mga salita hindi masabi,
Idinadaan na lang sa mga ngiti
Upang itago ang mga pait
Kahit sobra na ang sakit,

Mga salitang hindi masabi,
Na hinahanap-hanap pa din,
Nagbabakasakaling ika'y makausap muli,
At bumalik sa dati,

Pero alam kong ang mga gustong sabihin,
Ay hindi na muling mababanggit
At hindi na babalik pa muli,
Ang mga pinagsamahan natin

Mga salitang hindi masabi,
Aking sasarilihin
Upang hindi na muling magambala kang muli,
Nakakapagod humingi ng atensyon,

Ayaw na muling magmakaawa,
At ika'y huwag nang mabahala.
Sa aking mga sasabihin
Ay iyo'y sana'y seryosohin

Ikaw,Ako,wala nang tayo
Ikaw,Ako,wala na ang pagkakaibigang meron tayo,
Ikaw,Ako,hindi na muling mabubuo
Dahil wala na ang tiwala ko sa'yo.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon