Ngiti Sa Likod ng Luha

521 9 0
                                    

Lagi nalang
Oras oras nalang
Sumasabay mga problemang
Sinisira aking isipan

Oo hindi ako perpekto
Hindi ako yung taong inaasahan nyo
Ako yung laging magulo
Ako yung laging talo

Maraming nagmamalasakit
Maraming nananakit
Ewan parang kakaiba
Yung mindset ng iba

Pano na?
Iaasa na lamang ba sa iba?
O dapat ko nang aminin na
Pagod na ko sa sarili ko matagal na

Oo inaalagaan ko
Katawan at isip ko
Pero kilala nyo ba?
Kung sino ako?

Teka sino?
Sino yung pinaka ayaw kong tao?
Wala pong iba
Kundi sarili ko

Salamat sa mga nagmamahal
Salamat sa nag aalala
Salamat sa mga pagtitiwala
Kahit na hindi karapat dapat

Ako yung taong mahina
Ako yung taong walang wala
Ako yung taong iniiwan
Ako yung taong nasisira

Kelan kaya ako makakaramdam
Ng pagmamahal na matagal ko ng inaasam
Yung tipong dun ko lang ramdam
Yung tipong dun ko lang alam

Pasensya kung madalas akong makaabala
Pasensya kung di ko na maalala
Lahat ng ibinigay nyong alaala
Pasensya dahil ako'y sira na

Tula tula tula,
Paulit ulit,puro tugma
Pero aminin nyo
Masarap maglabas ng sakit dito

Paumanhin kung minsan mahirap
Paumanhin kung minsan nagkukulang
Paumanhin kung minsan nagkakamali
Paumanhin kung minsan miserable

Kasi lahat nalang
Iniwanan ako ng ganun lang
Lahat nalang
Mali mali yung paratang

Teka pano naman ako
Yung tipong ginagawa lahat
Mapasaya lang kayo
Kahit ako na yung masira sa mga tao

Lahat iiwan ako
Lahat kakalimutan ako
Lahat babalewalain ako
Lahat lalayuan ako

Pasensya na
Kung sa tula na aking ginawa
Lumabas na masyado nga
Masyado ngang madrama

Salamat naman
Sa lahat ng mga nandyan
Ngunit hindi ko masuklian
Dahil sa kasiraan

Mahal ko kayo
Di na ako aasa
Na maging ako
Mamahalin nyo

Salamat sa ganitong sitwasyon
Dahil kahit wala akong maging aksyon
Dahil nailabas ko yung sakit
Dahil nawala yung higpit
Na matagal ko na iniisip

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon