Kaklase

438 9 0
                                    

Pitong letra
Sinamahan kang gumawa ng memorya
Pinasaya at minahal ka
Nang mga taong tinuring mong pamilya

Hindi man natin aakalain
Pero sila ang tinadhana para sa atin
Tinadhanang makasalamuha
At makasama

Hindi man natin gugustuhin
Pero ito'y para sa atin
Ang tadhana ang bahala sa atin
At ang diyos ang gagabay sa atin

Sa labing isang Buwan na pagsasama
Nakikila mo ang pabida
Syempre pati narin ang pilingera,inggitera,plastic,torpe,matalino,make up is life,spokening dollar,kabit,jowable,at panira
Hindi talaga mawawalan ng mga ganyan

Hindi mabubuo ang klase kung wala sila
Sila yung tunay na barkada
Barkada sa paaralan
Na apat na Buwan nalang ang samahan

Yung mga tawanan?
Makikita mo nalang mag-iiba at magiging iyakan
Yung mga biro ng mga joker niyo?
Maglalaho nalang na parang bula

Yung mga kuha niyong litrato?
Hanggang ala-ala nalang toh
Yung mga tuksuan sa hindi mo crush?
Mamimiss mo nalang yung tao

Yung pagiging pilosopo?
Yung tao maglalaho
Yung salitang "Good morning classmate"
Mapapalitan ng "Goodbye classmate"

Makikita nalang natin
Kung saan ang hangganan natin
Pansamantalang saya
Walang hanggang hinanakit

Sana sa susunod sa amin
Ingatan niyo ang upuan namin
Pati narin ang naging guro namin
Dahil na kahit Matigas ang ulo namin,mahal na mahal namin ang nagturo sa amin

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon