Naglaho si Ligaya

375 5 0
                                    

Ramdam ko pa noon ang tuwa,
Hanggang sa lumabas ka sa balita.
May karatula na wag tularan iyong ginawa,
Aking mga luha ay agad rumagasa.

Napagbintangan ang inosente.
Pumanaw ka sa edad na bente,
Naulila iyong pamilyang nakatira lamang sa kalye.
Iyong asawa ay naiwang torete.

Pagkakasisi sa iyo'y nakapagtataka,
Sipag mo'y parang magsasaka.
Ngunit sa hukuman ay tinalikuran ka,
Hustiya mo'y kapalit ay barya.

Malinis na damit ay nagkaroon ng mantsa,
Malagim na sikreto'y tinatago nila.
Wag kang dadaan sa eskinita,
Baka mataniman ka ng pakete at bala.

Nanahimik ang mga nakasaksi,
Maski katotohanan ay kanilang binili.
Oras na sinangga ay madadamay ka,
Papalitan ka ng karimlan, Ligaya.

Spoken Words PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon