Wala ng intro intro
Diretsahan na ito,
Uso ngayun ang infatuation
Na kung isasalin sa salitang pilipino
Ay may kondisyon na atraksyonInfatuation na kung saan tayo nagkamabutihan,
Nagkamabutihan at may isa palang nasasaktan,
Wala ng kayo kasi dinidiskartehan mo na ako.Pilitin ko mang ika'y lumayo
Ngunit hindi ko kayang humayo papalayo,
Sapagkat kahit gaano kalayo tanaw ko kayo sa malayo.
Nasanay ako sayo,
At hindi ko maitatangi na pati ako ay nahulog na rin sayo,
Nahulog sa matatamis mong banat,
Na tila ba ang puso ko'y hindi mapalagay,
Sasaya na may duda dahil
Masaya pag magkalapit tayong dalawa
Ngunit pag ika'y lumapit sakanya
Tila ba nauubusan ng hininga.Saling pusa nga lang ba ako sa kwento niyong dalawa?
O siya,
Kasi tapos na kayo diba?
Ngunit bakit umeeksena pa siya?Ano ba talaga?
Ako nga ba'y pinaglalaruan niyong dalawa?
Ayokong dumating sa puntong yan
Kaya mas mabuting maaga palang
Bumalik ka na sakanya at iwan
Mo nalang akong luhaan.Matatanggap ko rin ito mahal
Hindi man ngayun pero baka
Pagdating ng tamang panahon.Ako ang magpaparaya
Sa kasiyahan niyong dalawa,
Ayokong humadlang sapagkat
Ayokong masabihan ng kontrabida.Tatanawin ko nalang kayo sa malayo
At pipigilan ang sarili na humayo,
Hahayaan ang sarili na umiyak At ilabas ng sakit at hinanakit
Sa kadahilanang ayokong manumbat.Huling gabi,Huling iyak
Napanaginipan ko kayo kasama
Ang umeksena sa ating kwento
Nakita kita hawak ang kamay niya
Nakatayo't magkalapit kayong dalawa
Kaya ako ay umupo
Hinihiling na sana,
Ang nararamdaman ko'y mawala't
Maglaho na kasabay ng pagkawala mo,
At sana kasing bilis din ito ng pagkawala ng salitang tayo.Sa bilyong tao sa mundo,
Bakit ikaw pa ang nakatagpo ko
Kung alam ko lang na magyayari ito,
Sana dati pa lang ako na mismo ang umiwas sayo.Wala na kong masasabi,
Ingatan mo siya at sana
Maging masaya kayong dalawa.