PAGOD NA KO

20 0 0
                                    

Sabi nila,ang puso raw kapag tumibok wala ka ng magagawa kundi ang sundin na lang ito.
Paano naman kung hindi mo na kaya?
Paano naman kung suko ka na?
Paano mo masasabing wala ka ng magagawa?

Ako? Minsang umibig ang aking puso.
Sumaya ito't sumigla ng parang bagong sibol.

Sa paglipas ng panahon ang sayang iningatan ko noon,ay natuldukan ng isang making pagkakataon..

Mandalas akong magtanong..

Mahalaga pa ako sa bahay mo?
Mahal mo pa ba ako? Mahal mo nga ba ako?
Ako lang ba ang mandalas na iniisip mo?
Ako lang ba ang tanging nagpapasaya sayo?
Sagutin mo naman ang tanong ko.

Kasi Alam mo? Sa dinami-rami ng tao sa mundo,ikaw sana yong gusto ko.
Gusto kong ipakilala sa mundo't ipagsigawan na ikaw ang mahal ko!
Na ikaw ang nais ko!

Ang gusto kong makasama sa buong buhay ko!
Ikaw ang hinihintay ko...

Pero bakit ganon?
Ginawa ko naman ang lahat at sa lahat ng gusto mo ay lagi akong sang-ayon!

He'to na naman ako.
Pinipigilang pumatak sa lupa ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

Pilit na itinatatak ko sa isip kong mayroon ka ng ibang gusto at sa katulad ko'y itatapon na lang ng wala man lang abiso.

Pagod na ako..
Pagod na ako sa lahat ng sakit na dulot mo!
Pagod na ako sa lahat ng mga ginagawa mo!
At pagod na ako..
Pagod na sa pagmamahal na Hindi naman pala totoo.

Nakakapagod na ang katulad mo!

Masaya ka na?
Nasaktan na ko!
Ano? Masama ka na?
Na pinaiyak at dinurog mo lang ang puso ko!?

Sabagay,masaya ka na nga sa piling niya at ako.

Pipilitin Kong umahon at ipapakita ko sayo kung sino ang sinayang mo!
Babangon ako at aahon sa putik ng pagmamahal mo, na Hindi naman pala totoo.

Oo,aaminin ko..
Nasaktan ako ng subra sayo.
Pero wala ka ng puwang sa puso ko.
Kahit na magpumilit ka lang bumalik sa piling ko.

Ayuko na,sawa na ko,suko na akong ilaban pa to.. Kasi alam kong talo ako.

Pero salamat sa lahat ng pananakit at sakit na ipinadama mo.
H'wag kang mag-alala Hindi ka maalis bahay ko.
Dahil ikaw,yong nakaraan hindi na dapat pang balikan..
Dapat sayo itinatapon sa basurahan.









-----*-----

Kindly follow me.. Hehehehe I'll follow back pag-may load ako hehehe.
Lablats mga kapula.. ;) :)

Pulangtinta





RED POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon