NAGHIHINTAY

10 0 0
                                    

"Naghihintay"

He'to na naman ako.
Nakaupo sa paburitong tambayan naming tatlo.
Itong punong ito.
Ang nakakaalam ng aming mga sekreto.
Ang upuang 'to.
Ang nakakatunghay sa mga tawanan at tilian naming tatlo.
Asaran at kulitan ay dito nabuo..
Nakakapanibago.

Lumipas ang araw at tila bigla na lang silang naglaho.
Naglaho sa paligid ko.

Ang ganda ng araw.
Ang sarap ng simoy ng hangin sa paligid ko.
Bawat kumpas ng mga dahon ay nagpapaalala sa mga kaibigan ko.
Bawat taong dumaraan ay may mga alaala pa ring di nagbabago.

Itong lugar na to.
Dito namin binuo.
Ang mga pangarap at pangako.
Na ngayo'y bigla na lang naglaho.

Bes?
Bessy?
Bespren?
Preneyy?
Kaibigan?
Pare?

Ko'y?
Kulukoy?
Tukmol?

Wala na ba?
Wala na ba yong dating saya?
Saya nung tayo pa ay magkakasama?

Sabay sabay na uuwi ng bahay.
Magsusunduan kahit magkakapit bahay.
Tapos sabay na maglalakad at tatawid sa may tulay.

Mga alaala.
At parang sa alaala ko na lang sila makikita.

Pero ito ang pangako ko sa inyo mga kaibigan ko.
Maghihintay ako.
Hanggang sa maalala niyong muli ako.

Salamat sa mga alaalang iniwan niyo.
Ang babait niyo kahit kinalimutan niyo ko.

RED POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon