SAKIT

18 0 0
                                    


Hanggang saan nga ba ako magiging matatag?
Hanggang saan ang kaya kong ipaglaban?
Hanggang saan ko kayang panindigan?

Gaano ba ako katapang?
Para lampasan ang ganitong buhay?
Paano?
Paano ko masasabing malakas ako?
Malakas sa tingin ng ibang tao?
Taong nakakasalamuha ko.

Nakakasalamuha't natatawa sa pagkatao ko.

Wala.
Walang may gustong pakinggan ako.
Pakinggan ang paliwanag o salitang magmumula sa bibig ko.
Pakinggan ang hinanaing ko.

At malunasan ang sakit na nararamdaman ko.

Ganito pala no?
Ganito pala ang buhay ng isang taong kagaya ko.
Kagaya kong mang-mang at walang kwentang tao..
Taong kung ituring ay parang hayop.
Hayop na walang kamuwang-muwang sa mundo.

Ganito pala ang mabuhay ng walang nakikinig sa paghiyaw mo.
Sa pag-hingi mo ng saklolo.
Dahil lugmok ka na sa sakit na nararamdaman mo.

At walang may gustong tumulong sayo.

Walang may gustong lunasan ang sakit mo.

Dahil wala kang kwentang tao sa paningin ng mga gusto mong tumulong sayo.

Parang ako.
Gusto kong maunawaan ng ibang tao.
Pero kahit anong paliwanag ko.
Ako pa rin ang nagmumukhang gago't-siraulo.
Dahil wala akong kwentang tao.

At may sakit ako.
Sakit na 'di ko alam ang gamot.
Sakit na dito sa puso ko'y kumikirot.
Sakit na paulit-ulit.
Na paulit-ulit kong ginagamot.
At sakit...

Sakit na ako lang...
Ako lang...
Ako lang ang may alam.
Dahil walang may gustong umalam.

Kasi wala silang pakialam, sa mundong aking ginagalawan.




***:::****
Pulangtinta :)

RED POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon