HINDI KO NA ALAM

10 0 0
                                    

"hindi ko na alam"

Naguguluhan.
Nalilito't anoba ang dahilan.
Ano ba ang kamalian?

Ang hirap.
'Di ko na alam kung saan haharap.
Nahihirapang mangarap.
Pero bakit patuloy pa rin na sumisilip sa mga alapaap?

Hawak ko ang papel,lapis at nag-iisip.
Ngunit saan?
Saan ba ako nagkamali?
Hindi ko na alam kung pano sisimulan.
Sisimulang isulat ang isturyang pinamagatan..
Pinamagatang "Tayo" na akala ko hanggang dulo.

Masakit isipin...
Masakit kimkimin..
Na ang tulad mo pala ay 'di pwedeng maging akin.

Masaya ka..
Kasama mo siya..
Pero eto ako...
Nag-iisa...
At inaalalang sana...
Sana tayo pa..
Kahit sa isang panaginip lang pala..
At alam kong hindi na magbabago pa..

Ngayon?
Hindi ko na alam.
Hindi ko na alam at wala na akong maramdaman..
Hindi ko na alam..
Hindi ko na alam kung pasaan..
At hindi ko malalaman hanggang't ako'y nakakulong sa ating kahapon na nagdaan.

RED POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon