RAINBOW AFTER THE RAIN

12 0 0
                                    

"Ang bahag-hari pagkatapos ng ulan."

Eto,ako.
Nakatayo.
Habang nakayuko.

Umiiyak,na parang wala ng bukas.
Kasabay ng pagbigkas
Sa mga alaalang bumakas.

Malakas ang simoy ng hangin.

Malamig ang gabi.

Kasing lamig ng himig ng pagkasawi.

Pumapatak ang mga luha sa lupa,na nagmula sa aking mga mata.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan,ang pagdurog sa puso kong lubhang nasasaktan.

Hindi makakilos,
Hindi makaagos,
At hindi alam kung saan tatagos.

Tanda ko pa yong masasakit mong salita.
At ang salitang labis sa 'king nagpaluha.
Ay ang salitang binitiwan mong saad ay "HINDI KO NA KAYA,PAALAM NA."

Oo,masakit.
Subrang Sakit.
Bakit ito ang kapalit?
Bakit Hindi masagot ang mga tanong na "Bakit?"

Parang isang dilubyo.

Sakunang nanalasa,

Unos na bumuhos.

Luhang Hindi ko akalaing aagos.

Sabi nila.
Pagkatapos ng ulan ay may araw na sisikat,sisikat at iilawan ang landas,landas na aking daraanan,at Hindi alam kung saan,saan hahantong ang Sakit na ito.

Ngayon?
Na ba ang tamang panahon?
Panahong dapat ay makaahon?
Sa Sakit at lungkot ng kahapon?

Siya. Siya ang isang bahag-hari pagkatapos ng ulan.
Lahat ng aking kasalanan ay nabigyang kapatawaran.

Siya,ang aking naging sandalan.
Nang ako ay malugmok sa kalungkutan.

Siya, ang nagbigay liwanag,daan kong karimlan.

Siya ang nag-iisang hari na sa aka'y humalina. 
At nagmahal ng higit,higit pa sa subra.

Salamat, Aming Ama.
Ama,sa kalangitan.
Ikaw.
Ikaw ang bahag-hari.
Pagkatapos ng ulan.

RED POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon