KAYA PA?

7 0 0
                                    

"Kaya pa?"

Pano ko nga ba lulusutan to?
Pano masusulusyunan to?
Malaki bang problema to?
Bakit kailangan ko magkaganito?

Natutulala,napapaisip,at hinihiling na sana magkaron ng himala.

Parang ang hirap?
Ang hirap humarap sa isang pagsubok na kahit takasan ko, at natatalo pa rin ako.
Natatalo at sumusuko na agad ang katawan ko.
Pero lumalaban pa ang puso ko.

Ano nga ba ang kaya ko?
Kaya ko pa ba?
Kaya pa bang ipaglaban ang taong hindi naman ako ipinaglaban?
Susukuan ko na ba ang taong wala nang ginawa kundi ang ako'y saktan?

Kaya ko pa ba?
Kakayanin ko pa ba?
Na sa bawat saglit ay alam Kong talo ako.
Talo sa larong pinasok ko.

Pero kaya ko pa ba?
Na sa bawat panghuhusga at pangungutya ng mga tao.
Ay halos lamunin na ko ng lupa.
Na sa bawat pagdaing ko ay halos isumpa ako ng mga tao..

Mga taong malapit sa puso ko.
Mga taong akala ko masasandalan ko.
Mga taong akala ko,maaasahan ko.

"Peste kang bata ka!"
"Wala kang utang na loob!"
"Pagkatapos ka namin pag-aralin eh magjojowa ka lang ha!"
"Akala mo kasi pinupulot lang ang pera."
"Wala kang silbi!"
"Lumayas ka! Yan ang gusto mo diba? Layas!"

Masakit?
Oo, subrang sakit.
Subrang sakit na makitang wala silang pakealam sa nararamdaman ko.
Napakasakit na makitang pati ang kaisa-isang taong gusto kong nandyan pala sa tabi ko ay iniwan din ako.
Napakasakit na isiping pati mga magulang ko.
Ay ayaw,ayaw na makasama ako.
Yong mga taong dapat ay nagpapalakas sa loob ko,ay...
Ay sila pa....
Sila pa ang naglulugmok sa pagkatao ko.

"Hahahahaha! Pangit!"
"Halimaw!"
"Mataba!"
"Baboy!"

Hahaha!
Nakakatawa no?
Nakakatawang isipin na yong mga kaibigan na dapat ay...
Ay sumusuporta sa 'kin....
Ay,..... Sila...
Sila pa ang dahilan ng lalong pagkamuhi ko sa sarili ko.
Sila pa ang dahilan kung bakit mapag-isa ako..
Sila pa ang dahilan ng minsan kong pagluha...

"Ginamit lang naman kita."
"Hindi kita mahal."
"Akala mo kung sino ka na hahabol-habulin ko?"
"Swerte mo namang pangit ka!"

Ang saya no?
Hahahaha!
Oo,ang saya...
Ang saya ng ganito...

Yong taong inaasahan ko..
Inaasahan kong magpapasaya sa puso kong nagdurusa..
Ay siya pa..
Sya pang dumurog nito sa higit bilyong bilyong piraso...

Siya pa ang dahilan ng gabi-gabi kong pagluha..
At kusang pumapatak ang mga luha sa king taksil na mga mata..

Tama na...
Ayuko na...
Suko na ko...
'Di ko na kaya...

Umiiyak..
Nagdurusa..
Nasasaktan..
Ngunit may nagtanong ba?
May nagtanong ba kung okay lang ako?
Kung may problema ba ako?
Kung nasasaktan ba ako?

Wala! Di'ba?
Di'ba wala?!

Nag-iisa..
Basang-basa sa ulan..
Walang kasama..
At kahit isa...

Wala...
Wala sa akin nakaalala...

Kaya ko pa ba?

Kaya ko pa!
Kaya ko pang lumaban!
Kaya ko pang masaktan!
Kaya pa...

Kaya pang ibalik..
At gawing inspirayon ang lahat ng sakit upang aking makamit ang tagumpay...
Kaya pa...
Kaya pang muling mag-umpisa...
Kaya pa..
Kaya pang buoin ang puso kong durog na durog na..
Kaya pa...
Kaya ko..
Dahil alam kong sa laban ng buhay ko..
Ay may kasama ako..

Dahil alam kong kaya ko..
Kaya ko pa..
At kakayanin pa hanggang sa aking makakaya.

RED POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon