KINALIMUTAN

15 0 0
                                    

"Kinalimutan"

Buti pa ang Facebook nakakapag-update.
Buti pa ang messenger madaming kachat.
Buti pa ang Google alam ang lahat.
Buti pa ang mapa makikita ang lahat..

Eh, bakit ikaw?
'Di ka naman Malabo at hindi ka rin malinaw.
Pero sa paningin ng iba ay isa ka lang langaw na nakadapo sa kalabaw.

Masakit diba? 
Masakit malaman na sa kanila..
Sa kanila ay wala ka palang kwenta.
Di'ba?
Kung makapagdrama?

Akala mo sila lang yong nasasaktan.

Sila lang ang lumuluha..
Sila lang ang nahihirapan..

'Di ba nila naisip?
Na tao lamang tayo..
Nasasaktan at sumusuko.
Naguguluhan at nalilito..
Pero bakit ganon?

Sa simpling pagtawa lahat sila nakatingin?
Sa simpling pagawit lahat sila naiinggit..
Sa simpling pag-iyak lahat sila'y walang pakealam..

Bakit ganon ang tao?
Alam na ngang nasasaktan na..
Ay nagpapatuloy pa rin?
Kahit na alam na nilang wala ng pag-asa ay umaasa pa din?

Bakit ganon?
Kaunting 'attention' na nga lang ay 'di pa maituon?
Ganoon ba kalayo ang noon sa ngayon?

Yong tipong ang saya saya niyo noon..

Puro kulitan at asaran hanggang maghalakhakan at maubusan ng hangin ay masaya pa rin.
Masaya na kasama at kausap ang bawat isa.

Bawat isa na bigla na lang nag-iba..
Nag-iba at tila ako'y kinalimutan na..
Ganyan,ganyan sila..

Pagkatapos ng lahat ay iiwan ka.
Iiwan kang umiiyak at nasasaktan pa...
Nasasaktan, dahil sa kanilang biglaang paglisan..

Paglisan na wala ng kasiguraduhan..
At tuluyan na ngang ako'y kinalimutan.

RED POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon