KAIBIGAN

8 0 0
                                    

"Kaibigan"

Sila yong akala mo tahimik lang.
Yong tipong akala mo kulang kulang.
Yong akala mo seryoso pero akala mo lang.
Yong sa una ikaw ang mag-aadjust sa mga harutan.
Yong sa una masaya lang?

Yong sayang di mo mahanap kanino man.
Yong sayang di mo makikita sa kahit na sino man?
Yong lungkot pag-may isang nasasaktan?
Yong pagdadamayan?

Kaibigan?
Kaibigan mong masasandalan?
Kaibigan mong maaasahan?
Sa ano mang sakuna at pangangailangan?

Nasaan?
Nasan ang mga dati mong kaibigan?
Yong nangakong walang iwanan?
Yong nagsabing walang sukuan?
Yong palagi mong kinikilingan?
Yong palagi mong binabantayan?
Yong lagi mong sinasabihan.
Sinasabihan ng "Pre,walang iwanan? Sumpa man hanggang sa walang hanggan? Pre, tayo pa rin hanggang sa kailanman? Pre ah? WALANG KALIMUTAN PEKSMAN MAMATAY MAN."

Asan na?
Andon na.
Masaya na sila.
Sa bago nilang kaibigan.
Kaibigan nilang mula sa ibang bayan.

At ikaw?
Asan ka?

Nandito ka.
Naiwang nag-iisa.
Nalulumbay pagkat walang na sila.
Naghihimutok at nagmumukmok dahil sa kanila.

Sila na mga kaibigan mo dati diba?

At sa bawat araw nagtatanong ka.
Kung saan ka ba nagkulang at iniwan ka ng basta basta.
"Kaibigan?"
Sa una lang masaya.
Sa una lang nandyan sila.
Sa una lang dadamayan ka.
Sa una lang magiging sandalan ka.
Sa una lang pala.
At pagdating sa huli,
Maiiwan kang mag-isa.

Pero may mga kaibigang totoo at ituturing kang hindi ibang tao.

RED POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon