PATAGO

23 0 0
                                    

Madalas ka bang maglihim?
O, kumimkim ng hinanaing sa dilim?
Malas ka bang tumakas sa isang sandaling ka'y hirap at ka'y itim?
At madalas ka bang tumakas sa riyalidad ng buhay mo?
Sa tingin mo ba?
May mababago pa?
Sa tingin mo ba, may magagawa ka pa?

Ano sa tingin mo ang dapat?
Tama pa bang maging tapat?
Kung ang lahat ay ibinigay mo na pero sa kanya ay 'di pa rin pala sapat..

Hanggang kelan ka ganyan?
Hanggang kelan ka magtatago sa mundong ginagalawan mo?
Hanggang kelan ka magiging mahina?
At hanggang saan ka aasa sa wala?
Paano mo paninindigan ang bagay na ikaw lang ang makakagawa?
Mapapanindigan mo ba ang pagtatago sa mga luha mong gusto nang pumatak sa lupa?

Makakaya mo ba?


Alam ko, mahirap to para sayo...
Pero kahit na mahirap ang pagdadaanan mo..
Lahat yan makakaya mo...
Dahil ang isang pagsubok,ay laging nalalampasan hangga't hindi ka na suko.

Maraming dahilan para sumuko..
Maraming paraan kung pano magtago..
At maraming pagkakataon ang nasasayang ng dahil sa mga taong gustong ilubog ang pagkatao mo.
Pero isa lang ang dapat alam mo..
Yon ay ang pagkatiwalaan ang sarili mo.

'Di ka tanga..
Para makipagsiksikan sa mga taong alam mong ikasisira mo lang...
Marami kang tanong..
Na ikaw lang mismo ang makakasagot...
Marami kang pagdududa...
Na ikaw lang rin ang makakapag-alis..

Tao lang tayo.
May sariling mundo..
At pusong tumitibok sa iisang tao..

Kaya kahit ano pa ang gawin mo ng patago..
Ay malalaman ng mga taong nasa paligid mo....

Tandaan mo...
Sarili mo lang ang mapagkakatawalaan mo..
















^&*(&8098866767980*&^*^(*&
Kamsa! ^-^ sa pagbasa. hehehehe.
Free to request comment lang hehehe :*

RED POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon